Maricel: Marami po tayong pinagdaanang pagkakamali! | Bandera

Maricel: Marami po tayong pinagdaanang pagkakamali!

|November 15,2011
facebook
share this

Maricel: Marami po tayong pinagdaanang pagkakamali!

- November 15, 2011 - 02:11 PM

BACK to work na si Maricel Soriano, pagkalipas ng ilang buwang pananahimik ay handang-handa na siya uling humarap sa kamera.

Sa ginanap na pictorial ng pelikulang “Yesterday, Today & Tomorrow” sa Valencia residence ni Mother Lily Monteverde nu’ng Linggo ay hindi naman itinanggi ni Marya na nagkaroon siya ng unos sa buhay na kailangan niyang harapin at ayusin.

Timing din ang pagbabalik ni Marya dahil ipinagdiriwang din niya ang 40th year niya sa showbiz.

“Medyo may dumating lang na konting unos sa buhay natin. Yung pamamaalam ng mommy ko na hindi ko kinaya, isang trahedya na naman sa buhay.

Ayon, bawat unos naman na nadaanan nating pagsubok sa buhay e, meron din namang kapalit, hindi ba?” nakangiting sabi ni Maricel na halatang naninimbang sa mga sasabihin.

Tinanong ang Diamond Star kung paano niya ito inayos ng siya lang dahil walang nakakaalam kung nasaan siya nu’ng nawala siya. “Basta hinarap ko siya nang buong ningning,” mabilis na sagot ng aktres sa amin.

“Marami tayong dinadaanan sa buhay natin o dadaanan sa buhay natin na mahirap, na kakayanin natin, o kinakaya natin.
“Pero kailangan nating maging malakas at maging matatag, di ba? Mahirap, pero kailangang kayanin natin.

At kailangan nating harapin at kailangan nating magpakatotoo. Iyun naman ang importante sa lahat, kailangan nating magpakatotoo.

“Marami tayong pinagdaanang mali at masasabi nating mali dahil napagdaanan natin. Marami tayong maituturo sa mga kaibigan natin, para maitama ang mali,” mahaba-haba niyang sabi sa amin.

At sa panahon na madilim ang buong paligid ni Maricel ay ang Panginoong Diyos lang ang tangi niyang kinapitan.

At sa mga taong nasa paligid niya ay si Mother Lily daw ang isa sa mga hindi nakalimot sa kanya at talagang sobrang nagpapasalamat siya rito, “Nanay ko ‘to, eh!” sabay lambing ni Maria sa lady producer na katabi niya.

Kaya nga raw nu’ng sinabi ni Mother Lily na gagawa siya ng pelikula ay go agad siya, “Sino ba naman ang makakatanggi kay Mother Lily, lahat tayo kayang sabihan ni Mother Lily.”

Samantala, hindi na pala ang TV executive na si Malou Choa-Fagar ang manager ni Maricel kundi si boss Vic del Rosario na ng Viva Films.  Pero ang movie project na “Yesterday, Today & Tomorrow” ay ang last na proyektong ibinigay ni Ms. Malou sa aktres.

At dahil identified si boss Vic sa TV5 ay iisa lang ang ibig sabihin, nananatiling Kapatid pa rin si Maricel? Kaya tinanong siya kung anu-anong programa ang gagawin niya sa Singko? “Teka, isa-isa lang muna ha, kasi dito muna tayo sa movie.  Nagugulat ako, eh. Sobrang mabilis kayo,” birong sabi ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago naman bumalik si Maricel sa pictorial ay nabanggit niyang isang sitcom ang magiging project niya sa TV5. Samantala, tuwang-tuwa si Marya na muli silang magkakasama ni Gabby Concepcion sa “Yesterday, Today & Tomorrow”, “Parang the good old days ‘no? ‘Yung ‘Pepe And Pilar’. Sabi ko nga, ‘Pepe, ako si Pilar, naalala mo pa ba ako?’ Ha-hahaha!” tumatawang kuwento ng aktres.

Samantala, napuri rin ni Maricel ang anak niya sa pelikula na si Eula Caballero dahil mahusay daw ang bagets kaya natutuwa siya sa new breed of stars ngayon na ang gagaling daw talaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending