Bong binalaan, wag kumagat sa mga patibong ni Benhur Luy
Sen. Bong’s pronouncements were clear. Kaya balitang handa na raw si P-Noy na makipagsagupaan sa kampo nina Sen. Bong. Inamin ng pangulo that during the Corona impeachment ay nakipagkita raw talaga siya sa ilang opposition senators pero hindi raw niya pinilit bumoto ang mga ito against Corona.
Ha-hahaha! Komedyante rin talaga ang pangulo natin. Sino ang maniniwala sa kaniyang hindi niya pinakiusapan ang mga ito na mag-side sa plano nilang pagpapatalsik kay Corona, aber?
In fact, may balita pa ngang may bribery involved dito, each senator who voted to oust then SC Justice Corona got a huge P50 million as a reward. Paano ipapaliwanag ni P-Noy na hindi sila nanuhol, sige nga?
Unang-una, kung wala ka namang business with these opposition senators, bakit mo pa sila pinatawag? You needed enough numbers to oust the former Chief Justice, di ba?
Kakaloka naman itong si P-Noy. Nagalit pa raw ito dahil idinamay pa raw ni Sen. Bong ang darling oldest sister nilang si Balsy (na hindi nga pinangalanan ni Sen. Bong sa speech niya), kumbaga, na-hurt siya for his sister.
Eh kung totoo naman ang isyu, bakit kailangang pagtakpan, aber? Di ba’t kailangan natin ito patungo sa “tuwid na daan”? Hasus, garbanzos, tomato sauce!!!
Ito namang si whistleblower Benhur Luy, agad daw itong nagpadala ng text message sa ABS-CBN after siyang tawaging “liar” ni Sen. Bong na he is challenging daw the good senator for a face-off sa Senate para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. In short, matapang talaga itong si Benhur Luy, ha!
Matapang siya dahil wala siyang pangalang pinoprotektahan, ganoon lang iyon. Malakas ang loob nitong si Benhur dahil para siyang isang loose cannon na kahit ano ay puwedeng sabihin, puwede siyang magbintang ng kung anu-ano laban sa mga inaakusahan dahil sanay siya sa paggawa ng “krimen”.
Totoo namang inamin niyang he has mastered forgery of signatures ng maraming lawmakers, ah. Bakit ngayon iba na naman ang sinasabi niya – na kesyo hindi niya kayang magpalabas ng pondo from the budget office kung walang pirma ang mga lawmakers.
Eh di ba’t umamin na siya that he forged some of the signatures? Huwag nga niya tayong gaguhin. Hindi ba’t ang tunay na dahilan kung bakit kumanta ang Benhur na ito dahil nasukol siya ng tita niyang si Janet Napoles na naging amo niya for the longest time dahil balak niyang kompetesiyahin ito sa kaniyang mga illegal businesses.
In short, sanay na sanay ang mokong na ito sa kailegalan kaya how can we trust him? Pag pumayag si Sen. Bong na makipag-face-off sa Benhur Luy na ito, suicide iyon. No win si Sen. Bong kaya dapat huwag siyang pumayag.
Hay, napakagulo ng administrasyong ito! Lahat ng kapalpakan ay nandito na. Kasi nga, walang alam sa pamunuan ang nakaupong presidente.
He is just living sa shadow ng kaniyang late president mo who was a mere housewife naman when she was elected president – kaya ano ang aasahan natin?
What broke my heart while watching Sen. Bong’s privilege speech was seeing former Sen. Ramon Revilla, Sr. wiping his eyes at the Senate. I love this man so much and I cannot afford to watch or see him in pain.
Basta ako, I am praying for a better Philippines, for a better tomorrow para sa mga anak natin. One day, we will all be gone but we do hope that the next generation will live in what used to be a beautiful country called the Philippines. Harinawa!
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.