Heat taob sa Hawks | Bandera

Heat taob sa Hawks

Frederick Nasiad - January 22, 2014 - 03:00 AM

ATLANTA  — Gumawa ng 26 puntos si Paul Millsap para tulungan ang Atlanta Hawks na masungkit ang 121-114 panalo laban sa two-time defending champion Miami Heat.

Nagdagdag din ng 19 puntos si  DeMarre Carroll at 17 puntos si Pero Antic para malagpasan ng Hawks  ang 30 puntos mula kay LeBron James.

Ito ang unang panalo ng Atlanta sa huling 10 laro kontra Miami. Ito rin ang unang panalo ng Hawks sa Miami mula Nobyembre 18, 2009.

Hindi nakapaglaro kahapon si Dwyane Wade para sa Heat pero si Chris Bosh ay umiskor ng  21 points para sa  Miami.

Nets 103, Knicks 80  
Sa New York, umiskor ng 25 puntos si Joe Johnson at ibinigay ng Brooklyn sa New York ang ika-apat na diretsong kabiguan.
Ito naman ang ikapitong panalo ng Nets sa huling walong laro.

Si Andray Blatche ay nagdagdag ng 19 puntos at 12 rebounds at si Alan Anderson ay may 15 puntos para sa Nets. Si  Carmelo Anthony ay kumulekta ng 26 puntos at 12 rebounds para sa Knicks na tinambakan ang Nets noong isang buwan, 113-83.

Tanging si Anthony lamang ang may double figures sa scoring sa starting unit ng New York kahapon.

Mavs 102, Cavs 97
Sa  Cleveland, si Monta Ellis ay may 22 puntos at si  Shawn Marion ay may  18 para sa Dallas. Lumamang ng 24 puntos ang Dallas sa first half ngunit unti-unting naghabol ang Cleveland sa second half.

Nakalapit sila sa tatlong puntos may 2.8 segundo na lang ang natitira sa laro pero kinapos ang Cavaliers na maagaw ang panalo.
Si Kyrie Irving ay may 26 puntos at si Luol Deng ay may 20 puntos para sa Cleveland.

( Photo credit toINS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending