Mark Anthony hinahanting ang ‘mysterious girl’ sa Cebu | Bandera

Mark Anthony hinahanting ang ‘mysterious girl’ sa Cebu

Ervin Santiago - January 22, 2014 - 03:00 AM


Nakausap din namin si Mark Anthony Fernandez sa presscon ng Rhodora X na isa rin sa magiging partner ni Jennylyn sa GMA TeleBabad series, kinumpirma niya na matagal na siyang single at naghahanap nga ngayon ng babaeng muli niyang mamahalin.

Ayon kay Mark Anthony, medyo sensitibo ang usapin tungkol sa dati niyang karelasyon kaya ayaw na niya itong idetalye pa. Pero aniya, maayos pa rin ang relasyon niya sa kanyang mga anak, lalo na kay Cameron, 12, na pumasok na rin sa pag-aartista.

Mapapanood na ang bagets sa ilang show ng ABS-CBN. Kuwento pa ni Mark, meron siyang nakilalang babae sa Sinulog Festival sa Cebu noong magpunta siya roon kamakailan.

Nakuha niya ang pangalan ng girl pero hindi sila nagkapalitan ng cellphone number. Aniya, babalik siya sa Cebu para hanapin ang misteryosang babaeng ‘yun.

Anyway, sa trailer pa lang ng Rhodora X mukhang ito na nga ang pinaka-challenging role na ibinigay ng GMA kay Jennylyn, pati na rin kina Mark at Mark Anthony.

Talagang mapapaisip ka kung ano ba talaga ang drama ng karakter nina Jennylyn at ng supposed to be kapatid niyang si Yasmien Kurdi.

Directed by Albert Langitan, Rhodora X also stars Gardo Versoza, Glydel Mercado, Irma Adlawan, Lollie Mara, Frank Magalona, Vaness del Moral at Ms. Boots Anson-Roa. Start na ito sa darating na Lunes sa GMA Telebabad.

( Photo credit to E Santiago )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending