Alden Richards inawayan ang titulong Gma Primetime Prince

By Dinno Erece January 19,2014
share this

Alden Richards inawayan ang titulong Gma Primetime Prince

By Dinno Erece January 19,2014
share this


Ayaw pang patawag na Primetime Prince si Alden Richards. Hindi pa nagsisimula ang Carmela nina Marian Rivera and Alden, tinataya na itong magi-extend sa original plan of 16 weeks.

In fairness kasi kay Alden, mula nang tumuntong siya sa primetime ng GMA whether as lead or second, lahat ng pinapasukan niyang shows, nag-i-extend.

It started with My Beloved with Marian and Dingdong Dantes, then ang launching niya with partner sa One True Love, both 2012. In 2013, his guest appearance sa Indio and ang follow up soap nila ng partner niya sa Mundo Mo’y Akin, nag-extend din.

With so much going on in Alden’s career siya na ngayon ang tinatawag na primetime prince pero ayaw niya pa itong tanggapin. Hindi naman daw nagpapa-humble si Yago ng Carmela, ayaw niya lang kasi ng issue.

Kasi nga naman, if he recognizes the tag for himself, napakaraming kasabayan at contemporary ni Alden ang malalampansan niya including Starstruck I to V male winners Mark Herras, Mike Tan, Aljur Abrenica and Steven  Silva na bagamat nagbibida pa rin naman until now, hindi natawag na primetime prince.

Ang point naman ng mga manunulat, hindi naman siya ang nanghingi nito at kami na ang nag baptize sa kaniya ng tag so whether he likes it or not, from hereon, he will be called as one.

Ibang level na talaga si Alden biro niyo, ang GMA Primetime Queen nang si Marian ang makaka-partner niya sa Carmela so GMA and GMA Artist Center are really banking on the show’s success para finally, ang network na ang tatawag sa kaniya bilang Primetime Prince whether the other matinee idols of Kapuso like it or not.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending