Kulang ang kontribusyon sa SSS | Bandera

Kulang ang kontribusyon sa SSS

Lisa Soriano - January 18, 2014 - 03:00 AM

DEAR AKSYON LINE,
Pagbati ng maluwalhati sa inyong Aksyon line. Sumulat po ako sa inyo sa kadahilanan tungkol sa aking SSS contributions. Em-pleyado po ako ng Universal Robina Corporation.

Nagu-umpisa po ako rito noong 1977 ng Marso hanggang Oktubre, 1989. Nagpamanual verification po ako at ang resulta ay 43 months lang po ang
aking contributions. Ang paliwanag ng Robina kung magfile ako ng retirement benefit saka na lang ise-certify yung aking contributions hanggang 1989.

Gusto ko na po magfile ng retirement pero ang sabi sa akin SSS Imus branch huhulugan pa yun kulang ko.

Naguguluhan po ako sa ganitong sistema, paano po ba ang aking tamang gagawin?Maraming
salamat po.
Federico Roque Jr.
SSS# 03-4207060-4

REPLY: Saiyo Mr. Roque:

Hindi na dapat hintayin pang dumating sa retirement period para habulin ang iyong claim at kung sinasabi ng kumpanya na nagbayad na kami, kailangang ipakita ang pruweba ng mga resibo nila.

Posible ngang nabayaran pero hindi nag submit na appropriate na report para sa period na binayaran nila at ang posting ng kanilang hulog ay base sa report na isina-submit ng report na mga pinagbayaran .

Kung hindi naman makita hindi naman tama na kaagad agad na mag conclude dahil maaari namang nagsubmit ng report pero mali ang ginamit na SSS number .

Pero malinaw na kulang ang contributions sa halos 10 taon na pagtatrabaho sa kumpanya kaya ang mas magadang gawin ni Mr. Roque ay ngayon pa lamang bago siya mag retire ay ayusin na kung sinasabi naman ng employer na pwdeng i- certify ay ipagawa na ito pero hindi pa rin sapat ang sertipikasyon dahil ang kinakailangan ay ipakita ang R-3 o ang report form ng contribution.
Sakali namang sabihin ng employer na wala na silang kopya ay maaari namang mag request ang miyembro ng manual verfication sa SSS.

Kung nasaan ang pinakamalapit na branch ng SSS ay doon mag request for manual verification
Ms Susie Bugante
Vice President
SSS, Corporate
Affairs
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending