HOROSCOPE, January 17, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, January 17, 2014

Madam Sophia - January 17, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2014 ay hindi maiiwasan ang problema, pero maiiwasan ang mga taong walang kuwenta. Imbes na makipagkuwentuhan sa kanila, mag-concentrate sa pagtatrabaho at mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 9, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at orange ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)  —Bagama’t okay na ang trabaho, maghanap ka pa rin ng dagdag na pagkakakitaan upang mas madaling lumago at umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, bagamat okay ang isang Taurus, mas higit kang kikiligin sa isang Libra. Mapalad ang 8, 16, 23, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Yellow at pink ang buenas.
Taurus — (April 20-May 20)  —Sa pag-ibig, huwag nang pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, katugma mo siya. Sa pinansyal, ang nasabi ring kasuyo ang sa iyo ay magpapayaman. Mapalad ang 6, 18, 24, 37, 42 at 49.  Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.
Gemini -(May 21-June 21)— Magsimulang muli! Sa pinansyal, negosyong may kaugnayan sa cell phone, computer, iPad, Internet at iba pang modernong kasangkapan ang magbibigay ng pag-unlad. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang kasuyo, palitan ng bago na may zodiac sign na Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mandala-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)  — Sa pag-ibig, kung nanlalamig ang relasyon ikaw ang mag-initiate upang ito ay muling uminit. Sa pinansyal ipakita mo sa kanila ang ehemplo ng isang masinop na pamumuhay. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yara-Salvame-Om .” Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sun ang iyong ruling planet. Upang maiwasan ang sakit na usong-usuo na naman ngayon, laging magbilad sa araw tuwing unang oras sa umaga. Sa ganyang paraan hindi ka tatablan ng karamdaman.  Mamayang gabi ay magpamasahe sa minamahal hanggang mauwi ang session sa masarap na romansahan. Mapalad ang 7, 9, 20, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Blue at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Panatiliin ang pagiging relaks.  Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyo. Unti-unti lang ang paggastos. Hindi kailangan ang pagkaing mahal na masarap, sa halip pagkaing mura lang pero masustansya ang dapat. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Habang lumalamig ang panahon pagpatak ng dilim, romansahin ang kasuyo na matampuhin upang muling umiinit ang nanlalamig na relasyon. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung namumroblema sa pinansyal, ituloy ang nakaugaliang pagdarasal. Tandaang ang taong madasalin ay laging pinagpapala.  Sa pag-ibig at pinansyal, laging isaisip may magic ang dasal. Mapalad ang 2, 16, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taon ito, gawing kalugod-lugod ang trabaho. Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming suwerteng darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Huwag ubusin ang salapi dahil sa pag-ibig baka mabigo at lumuha ka na naman. Hayaan mong kusang dumating ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Libra, siya ang panghabambuhay sa iyong magpapaligaya. Mapalad ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Black at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Huwag mag-alala, sa pinansyal, kung kailan ka walang-wala ay bigla ang dating ng napakalaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, hintayin ang pagdating ng isang Scorpio upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 28, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” White at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending