TTamang-tama ang tanong ng ating texter …. 4550 na taga-Nabunturan, Compostella Valley dahil maaari itong mangyari sa sinumang rider na susuong sa baha na dala ng low pressure area.
Ayon sa ating texter, hindi umaandar ang kanyang motorsiklo kahit na pinipihit niya ang gas.Totoo na kaya ng makina ng 155cc ang tubig dahil sa disenyo nito, hindi katulad ng mga 125cc na mas mababa ang makina.
Maaaring hindi umaandar ang motorsiklo dahil may nakabara sa maliit na sprocket nito. Posibleng sa pagpasok ng tubig ay mayroon itong kasamang maliliit na lupa o bato na naka-aapekto sa shoe springs.
Kapag naipon ang dumi, maaaring sirain nito ang spring at ang sistema ng preno. Nangyayari ito nang hindi napapansin ng rider.
Maaaring kumayod ang nasirang spring sa hub base na siyang uukit sa brake shoe. Kapag nangyari ito makabubuti na palitan ang hub.
Hindi simple ang pagpapalit nito dahil kailangan ding palitan ang spokes at dapat na tiyakin na nakasentro nang mabuti ang rim. Dapat tingnan ng ating texter kung kaila-ngan itong gawin sa kanyang rear hub.
Dahil umaandar ang makina ng motorsiklo, mukhang nakaligtas ang ating texter sa pagsasaayos ng fuel at electrical system.
Kailangan ding suriin ang spark plug, gayundin ang kanilang mga contact point.
Inirerekomenda rin na palitan ng magandang klase ang spark plug kahit na mas mahal ang presyo nito dahil ang Compostela Valley ay madalas bahain.
MOTORISTA
ANO pong brand ng oil ang magandang pang-change oil at ilang buwan bago magpa-tune-up ang motor?
…4490, ng Josde Abad Santos, Davao del Sur
BANDERA
SA mga Japanese bikes, magandang pamalit ang Castrol. Nakasisira lamang ang Castrol apag lumagpas na sa milyahe ang pagpapalit nito, na karaniwang nangyayari kapag nakalimutan ang pagpapalit ng langis. Kung maaari, gawin ang tune up sa tuwing magpapalit ng langis.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
4SALE XRM 110 30K 0930-3208170
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.
Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).
Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.