ANG huling balita sa Las Vegas ay handa na si Juan Manuel Marquez. 38. Sa panayam ng Agence France-Presse, sinabi ni Marquez na:
“I’ve come prepared… I’m going to be able to hit him very hard and that’s going to win me the fight.”
Nakakapangilabot kung ikaw’y diehard ni Manny Pacquiao. Nakasisigla ng kalooban kung nagpasya ka na para kay Marquez.
Kung kay Pacquiao ka, paano mapapabagsak ng Pambansang Kamao si Dinamita?
Kung kay Marquez ka, paano dudurugin ng Mexicano ang Pinoy? I-text sa 0917-8446769. Huling callout na ito.
Kailangan mag-ingat sa upper cut si Manny Pacquiao. Kasi, parang hindi siya gaanong sanay tamaan sa part na yun.
…4656
Kailangan pabagsakin ni Pacquiao si Marquez sa Round 6. Dahil kung hindi, panalo ako.
…4716
Hindi lang unanimous ang resulta, KO pa si Marquez. Joel Nacalabs Payag, of Cagayan de Oro City.
Kapag natalo si Manny, ipapuputol ko ang dalawang tenga… at buntot ng pitbull ko. Jomon ng Bredco Port
Wala akong pakialam kung manalo si Pacquiao.
Ako, Marquez talaga, kaya dapat mag-ingat siya. Bong of Cotabato City
Marquez ako. Kasi, kaya ni Marquez ang bilis at power ni Manny. Malakas ang counterpunch ni Dinamita.
…2698
Manghihinayang si Marquez kapag di niya ipinanalo ang laban. Hindi na siya bata at baka wala nang rematch.
Kapag nanalo si Marquez, puwede na siyang mag-retire na kampeon. Kapag natalo si Pacquiao, puwede pa siyang lumaban hangga’t kaya niya.
…4041
Kung malakas si Pacquiao, mas malakas ngayon si Marquez. Kakayanin niya ang suntok ni Pacquiao, kung makakasuntok pa si Pacquiao, bago siya matulog.
…5900
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.