Kinikita ni Daniel nauubos lang sa kabibili ng alahas ni Karla Estrada?
Bumati naman sa amin si Daniel Padilla nu’ng makasalubong namin sa corridor ng ABS-CBN. Habang chumichika sa amin si Daniel, e, agaw-pansin naman ang namamagang eyebugs niya.
Halatang kulang na kulang sa tulog sa si Daniel, huh! Bukod pa sa mukhang pagod na pagod ang face niya. Ang sipag-sipag naman kasi ng batang ‘to.
We heard bukod sa taping at shooting, may series of provincial shows pa raw na naka-line-up for him sa first quarter pa lang ng taon.
Wala naman daw magawa si Daniel dahil kailangan niyang lumagare sa trabaho. We heard need ni Daniel na bunuin ang P40 million na pambayad nila sa bagong bahay na kinuha ng kanyang ina.
Bukod sa bahay, wala raw kasing tigil sa kabibili ng gamit, personal at pampamilya, ng kanyang ina na si Karla Estrada.
Una na raw ang walang tigil na pagbili ng alahas nito, as in mamahaling alahas.
Bagaman, may sarili namang pera ang ina ni Daniel, hindi pa rin daw ‘yun sapat sa naglalakihang mga bato na sinusuot ni Karla.
At least, ipinangbibili at ‘di isinusugal ng ina ni Daniel ang kanyang pera. Wala naman sigurong masama kung gamitin niya ang pera ni Daniel, siya naman kasi ang ina.
And for sure, aware naman si Daniel kung saan dinadala ng kanyang ina ang pera niya. Saka investment din naman ang alahas.
Anyway, napanood namin ang teaser ng episodes na pinost ni Mico del Rosario sa kanyang Facebook account ng top rating kilig-serye ng ABS-CBN sa primetime this week, ang Got To Believe na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel.
May malaking desisyon na gagawin si Joaquin (Daniel). Gusto na kasing ipatanggal ni Joaquin ang bala na nakabara sa kanyang katawan.
Kapag tinanggal ‘yun either mabubuhay na siya ng maayos or ikamamatay niya. Kaya dapat tutukan ang linggong ‘to sa Got To Believe gabi-gabi sa Kapamilya network.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.