Ikatlong QC police tumba | Bandera

Ikatlong QC police tumba

- January 13, 2014 - 02:24 PM


BINARIL at napatay ang pulis-Quezon City kahapon ng umaga sa Novaliches habang naghuhugas ng kanyang sasakyan.
Si SPO1 Michael Gayagoy Jr, 55, nakatalaga sa follow-up section ng QC Police District (QCPD) Novaliches Station, ang ikatlong pulis-QC na pinatay simula noong Disyembre lang.

Ayon kay Supt. Norberto Babagay, hepe ng QCPD Novaliches Station, ang biktima ay nakatakdang magretiro ngayong taon at hinihinalang may kaugnayan sa kanyag trabaho sa follow-up section ang pamamaslang.

Sinabi ni SPO1 Eric Lazo, ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na si Gayagoy ay nagtamo ng siyam na tama ng bala sa ulo’t katawan nang makorner ng gunman.

“He (Gayagoy) was not able to run for his gun and fire back because he apparently did not want collateral damage,” ani Lazo.  May lamay sa kapitbahay ng biktima sa Ibon Pilak st., Sitio Aguardiente, Barangay Santa Monica, Novaliches.

Hinuhugasan ng biktima alas-10 ng umaga ang kanyang FX nang lapitan ng suspek at barilin.  Sa unang putok ay nagawa pang yumuko ng biktima pero di ito nakatakbo dahil nakorner na ng suspek.

Natagpuan ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ang  anim na basyo at apat na slug ng .45. Sinabi ni Babagay na kasama ang biktima sa pakikipagbarilan sa murder suspect.

Sinabi ni Babagay na maaaring nasa likod ng pamamaslang ang sindikato ng droga.  Bago itinalaga sa Novaliches Station, ang biktima ay nasa anti-narcotics section ng QCPD Batasan Hills Station.

Ayon sa pamilya ng biktima, nakatanggap ito ng death threat mula sa drug suspect na kanyang inaresto. Noong Dis. 5, inambus at napatay si SPO4 Edward Torio habang nagmamaneho ng kanyang jeep sa Commonwealth ave.

Si Torio ang hepe ng Task Force Commonwealth na nagtataboy sa ilegal na mga vendor.Noong nakalipas na linggo, binaril at napatay ng mga nakamotor si PO1 Aldrin Castro, ng QCPD District Police Safety Battalion (DPSB), habang sakay ng motorsiklo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending