Sam Concepcion dinaig pa ang bodyguard sa pagbabantay kay Jasmine Curtis-Smith
Hindi ba busy si Sam Concepcion? Parati kasi siyang may oras para sa girlfriend niyang si Jasmine Curtis Smith
Nakarating sa amin na laging dumadalaw si Sam sa live episode ng SpinNation, ang social media show ni Jasmine na napapanood tuwing alas-11 ng gabi sa TV5 sa may Novaliches.
Bagama’t hindi naman itinatanggi nina Jasmine at Sam ang kanilang relasyon ay marami ang natutuwa dahil talagang naglalaan ng oras ang singer-actor-TV host sa dalaga.
At nalaman namin na hindi lang sa SpinNation nakakadalaw si Sam maski dis-oras na ng gabi kundi maging sa taping ng bagong serye ni Jasmine sa TV5 na ginanap sa Quezon City.
Tsika sa amin ng taga-TV5 ay narinig nilang sinabi ni Sam na napadaan lang siya, pero nagtatagal naman daw kaya iniisip nilang binabantayan ng binata ang dalaga.
Oo nga, mukhang mahigpit na boyfriend itong si Sam, dahil parati ngang nakabakod sa kanyang girlfriend. Anyway, mukhang mas inspired magtrabaho si Jasmine kapag alam niyang nasa set si Sam dahil parati siyang masaya at nasa mood, unlike nu’ng minsang wala ang binata ay tahimik at hindi gaanong nagsasalita ang dalaga.
Naku, Jasmine, hinay-hinay lang, malayo pa ang mararating mo lalo’t laging trending ang SpinNation tuwing Sabado na iisa lang ibig sabihin, marami kang followers kaya huwag mong sayangin ang pagkakataong ito.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.