KUNG si Cristine Reyes ang tatanungin, gusto niyang si Rayver Cruz na ang mapangasawa niya at maging tatay ng magiging mga anak niya in the future.
Na kay Rayver na raw kasi ang halos lahat ng qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.
Chika ni Cristine, ipinagdarasal niya na sana’y tumagal nang matagal na matagal ang relasyon nila ni Rayver at siyempre, dumating din yung time na aalukin na siya ng kasal ng kanyang boyfriend.
“Alam ko na mabuti siyang tao talaga. Napatunayan ko ‘yan nu’ng nagkasakit ako at naospital. Para gawin niya yung alagaan niya talaga ako sa hospital and hindi niya ako iniiwan, alam mong nag-aalaga talaga siya. Alam mong concerned siya,” chika ni Cristine.
Pero sabi ni Cristine, baka matagal pa raw maganap ang kasalan, mga five years pa raw siguro ang kailangang hintayin ni Rayver bago siya magpakasal. Ang priority daw kasi ng sexy actress ay magtrabaho nang magtrabaho at matupad ang iba pa niyang mga pangarap bilang aktres.
Pero ayon kay Cristine, hindi na siya nagpapakamatay ngayon sa pagwo-work, marunong na raw siyang magpahinga dahil nga natuto na siya matapos ang kanyang pagkakaospital dahil sa viral meningitis.
“Sa ngayon, nag-a-adjust pa yung Reputasyon sa akin, hanggang 12 midnight lang ako sa work kasi siyempre hindi naman ako puwede agad isabak sa sobrang puyatan. So ngayon kasi ang sabi ng doctor ko baka mag-relapse ako kaya hindi ako dapat sinasabak sa sobrang puyatan.
Pero so far naman okay naman ako and maingat na rin ako hindi ko masyado sinasagad yung sarili ko,” kuwento pa ng dyowa ni Rayver.
“Ngayon talaga, mas natuto akong i-treasure ang bawat araw na binigay sa akin. Kasi dati madalas lang ako nasa bahay palagi. Ngayon lumalabas labas ako. Live life to the fullest. Hindi ko kasi talaga naisip na magkakaroon ako ng sakit na malala. So yun siguro yung naging reason kung bakit gumaling din ako kaagad,” dagdag pa ni Cristine.
Nasabi rin niya na dream niyang makagawa sila ni Rayver ng pelikula na mala-“Step Up” ang tema, “Gusto ko magkaroon kami ng movie na sumasayaw siya tapos ako kunwari yung hindi marunong kunwari sumayaw. Na-iimagine ko talaga. Ha-hahaha! Parang mala-‘Step Up’ ang dating. Gusto ko rin yung movies na parang ‘Dirty Dancing’, ganu’n.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.