Vic, Piolo bardagulan sa drama at aksyon sa 'The Kingdom'

Piolo, Vic bardagulan sa drama at aksyon sa ‘The Kingdom’: Epic ‘to!

Ervin Santiago - October 09, 2024 - 06:00 AM

Piolo, Vic bardagulan sa drama at aksyon sa 'The Kingdom': Epic 'to!

Piolo Pascual at Vic Sotto

MAINGAY na nga at inaabangan ang pagsasanib-pwersa ng Box-Office King na si Vic Sotto at Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa kanilang official 50th Metro Manila Film Festival entry na “The Kingdom”.

Mula sa direksyon ni Michael Tuviera at handog ng MQuest Ventures, M-ZET Productions, at APT Entertainment, Inc., ang “The Kingdom” ay isang kakaibang family drama na talagang ginastusan para sa MMFF 2024.

Sabi nga ni Bossing sa isang panayam about the movie, “It’s going to be epic. It’s going to be very dramatic. Feeling namin akmang-akma siya sa panahon at sa okasyon.”

Baka Bet Mo: Jodi, Richard, Joshua, Gabbi maswerteng napili para sa unang pagsasanib-pwersa ng GMA at ABS-CBN

“The story and concept are really different, nothing like we’ve seen before. For me, this will serve as an eye-opener for all the Filipinos, para sa atin mga kababayan at sa Pilipinas. I have never done anything like this before,” aniya pa.

Nakakuha ng BTS o behind-the-scenes photos ang BANDERA kung saan unang masisilayan ang mga karakter nina Bossing Vic at Papa P sa unang pelikulang pagsasamahan nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)


Makikita si Bossing na seryosong nakaupo, nagpapakita ng bagong aura na malayo sa kanyang usual na comedic persona.

Meanwhile, sa isang kuha naman kay Papa P, makikita siyang abala sa bukid, tila isang magsasakang ipinapakita ang kanyang kakaibang transformation para sa pelikulang ito.

Mukhang sobrang intense nga ng role, ibang-iba sa kanyang mga nagampanang karakter. Sabi nga nila, iba kapag si Piolo ang nagbigay-buhay sa karakter.

Mas lalo tuloy nakaka-excite na mapanood ang “The Kingdom” sa nalalapit na MMFF 2024.

Marami ang umaasa at naniniwalang maghari sa takilya at maluklok sa trono bilang pinakabongga at pinakamalaking produksyon ang “The Kingdom” nina Bossing Vic at Papa P sa history ng MMFF.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa movie sina Cristine Reyes, Sue Ramirez at Sid Lucero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending