Produkto rin ng Starstruck si Sarah Lahbati gaya ni Paulo Avelino. Sa bakuran naman ng GMA 7 ay susugalan na siya para maging bida sa isang afternoon soap na magsisimula na ngayong Nov. 14. Ang tinutukoy namin ay ang TV remake ng “Kokak” ni Rachel Lobangco.
“Dream come true siyempre bilang artista na mabigyan ng ganitong pagpapahalaga. I have a bigger responsibility and I’m obliged to deliver,” tsika ng magandang aktres na hinuhulaang soon ay magiging malaking asset ng Kapuso network.
Aminado si Sarah na wala siyang idea kung ano’ng klaseng pelikula ang “Kokak” at kung sino si Rachel Lobangco, “Hindi po kasi pinapanood sa amin.
Iba ang treatment, malayong-malayo raw sa movie version dahil una, pang-TV po ito at marami ang characters.Sa pagkakasabi po sa amin, sa movie version yata e, halos sa tatlong tao lang umikot ang istorya,” paliwanag pa ni Sarah.
Bukod sa mahusay na aktor-direktor ang hahawak ng project sa katauhan ni Ricky Davao, siniguro ng GMA 7 na mahuhusay ang makakasama ni Sarah sa Kokak.
Gaganap bilang mga magulang niya sina Gary Estrada at Jessa Zaragosa, kasama rin sina Deborah Sun, Caridad Sanchez, Frencheska Farr, Vaness del Moral at Eric Vijandre. Sina JC Tiuseco at TJ Trinidad ang magsisilbing love interest ni Sarah sa serye at ayon sa batang aktres, “Pareho silang guwapo, desirable at very gentleman.”
At dahil may pagka-sexy ang Kokak, sinabi ni Sarah na kung kakailanganin talaga sa istorya na makipaghalikan siya either kina TJ or JC, magpapaka-professional daw siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.