Ruffa hiniwalayan si Lloydie dahil sa alak? | Bandera

Ruffa hiniwalayan si Lloydie dahil sa alak?

- November 06, 2011 - 12:54 PM

KAABANG-ABANG ang panayam ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi Showbiz Exposed mamayang ala una y medya nang hapon, ginanap ang interbyu ilang oras bago siya umalis papuntangDubai nu’ng nakaraang Miyerkules nang gabi, si DJ Mo Twister ang humawak ng panayam.

Ramdam ang sakit ng kanyang loob dahil sa ginawang pambabaligtad sa kanya sa isang panayam ni Shaina Magdayao, pero naglabas pa rin siya ng sama ng loob sa pinakaedukadong paraan, komento nga ni Mo ay beauty queen daw talaga si Ruffa,

“She’s really hurt, you will feel that, but Ruffa knows how to start and when to stop. She said that she’s not a relationship wrecker, that John Lloyd (Cruz) was not the one who texted her, because at that time, he was drunk na and four people were trying to help him going out,” patikim sa amin ni “Boy Laglag.”

Sa Paparazzi ngayong hapon ay malalaman na rin natin kung sino ang unang nag-text kanino, dahil inilabas ni Ruffa ang kopya ng pagpapalitan nila ng text messages ni Shaina nu’ng nakaraang concert ni Vina Morales, kung saan ipinipilit ni Shaina na siya diumano ang naunang nag-text.

May timeline ang kopya ng kanilang mga mensahe, may oras at hindi puwedeng ipagkaila, kaya sa pagkakataong ito ay mapatutunayan ni Ruffa na si Shaina nga ang naunang magpadala sa kanya ng mensahe habang gamit ang pribadong numero ni John Lloyd Cruz.

Nakakalungkot lang isipin na ang pagiging lasenggo rin pala ni JLC ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ni Ruffa, sa maraming pagkakataon ay napapahiya siya sa kanyang pamilya, sa kanilang mga kaibigan at katrabaho, dahil sa kawalan ng disiplina sa pag-inom ng magaling na aktor.

Nu’ng gabing tinext siya ni Shaina sa concert ni Vina ay kumbinsido siyang hindi si John Lloyd ang nagpadala sa kanya ng mensahe dahil lasing na lasing na pala noon ang aktor, halos maglupasay na sa sobrang kalanguan, at apat na tao ang tumutulong kay JLC para maayos na makalabas sa Republiq Bar.

Minsanan lang magsasalita si Ruffa, idedepensa lang niya ang kanyang sarili sa pambabaligtad sa kanya ni Shaina, pagkatapos ng panayam na ipalalabas ngayong ala una y medya nang hapon sa Paparazzi Showbiz Exposed ay wala nang susunod pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending