KC naospital, di raw matanggap na natalo sa pagka-best actress sa MMFF | Bandera

KC naospital, di raw matanggap na natalo sa pagka-best actress sa MMFF

Ervin Santiago - January 06, 2014 - 03:00 AM

UMARIBA na naman ang mga bashers ni KC Concepcion. Nabasa kasi namin ang ilang pang-ookray ng mga taong nang-aalipusta sa anak ng Megastar matapos itong magkasakit at maospital nitong nakaraang linggo.

Sa Twitter at Instagram account kasi ni KC sinabi nitong ilang araw na siyang may sakit. Dinala na nga raw siya sa ospital dahil pabalik-balik lang ang lagnat niya.

Matapos na sumailalim sa ilang medical test, napag-alaman na merong pneumonia ang TV host-actress. Sa katunayan, sa ospital na raw nag-Bagong Taon si KC, pero aniya, matapos makapagpahinga ay okay na uli ang kanyang kundisyon.

Huwag na raw mabahala ang kanyang supporters. Pero sa kabila ng pagkakasakit ng aktres, hindi pa rin siya tinantanan ng mga taong walang ginawa sa buhay kundi ang manlait.

Ayon sa ilang bashers, nagkasakit daw si KC dahil sa sobrang depresyon. Hindi raw kasi matanggap ng anak ni Mega na natalo siya sa pagka-best actress sa nakaraang awards night ng MMFF 2013 para sa pelikulang “Boy Golden”.

Talaga raw kasing umasa na si KC na siya ang magwawagi sa gabi ng parangal dahil na rin sa mga natatanggap niyang papuri sa mga nakapanood ng kanilang entry.

Ayon naman sa isang malditang basher ni KC, sa susunod daw ay huwag na siyang mag-expect ng award dahil hindi pa naman talaga siya deserving, mas magaling pa rin daw si Maricel Soriano sa kanya na siya ngang hinirang na best actress sa 2013 MMFF.

Nakakaloka, di ba? Pero naniniwala kami na stress ang dahilan ng pagkakasakit ni KC at hindi ang pagkatalo kay Maria.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending