Claudine mas marami pang pasasabuging bomba laban kina Raymart at Gretchen ngayong 2014 | Bandera

Claudine mas marami pang pasasabuging bomba laban kina Raymart at Gretchen ngayong 2014

Cristy Fermin - January 05, 2014 - 03:00 AM

Kinumpirma ni Attorney Ferdinand Topacio nang maging panauhin naming siya sa “Cristy Ferminute” (92.3 News FM-AKSYON TV 41) sa unang pag-ere ng programa ngayong 2014 na ihinanda na ngayon ng mag-asawang Mike at Inday Barretto ang mga dokumento para sa gagawin nilang pagsasampa ng kasong libelo laban sa kanilang anak na si Gretchen.

Ayon pa sa tagapagtanggol ni Claudine ay naghintay lang ang mag-asawa ng tamang panahon para kasuhan ang aktres, nagpalipas lang daw sila ng Kapaskuhan, ayaw nilang sumabay sa panahong dapat ay nagsasaya ang buong bayan.

Napakarami na raw kasing pinakakawalang salita ni Gretchen laban sa kanyang mga magulang, masakit na masakit na raw ang damdamin ng mag-asawa sa mga pinagsasasabi ni Gretchen, kaya kailangan na nilang kumilos.

“Nagpalipas lang po sila ng Kapaskuhan. Alam n’yo na, bilang pagrespeto sa panahon. Christmas, nagsasaya ang buong mundo, ayaw naman nilang makisabay sa pagsasaya ng mga kababayan natin.

“Pero naghahanda na sila ng isusumite nilang affidavit laban kay Gretchen, masakit mang pakinggan, pero mas lumalalim pa ang labanan ngayon ng magkapatid na Gretchen at Claudine dahil kasama na sa gulo nila ang parents nila,” nailing na komento ng abogado ni Claudine.

Marami kaming tanong kay Attorney Topacio na handa sana niyang sagutin nang punto por punto, pero hindi niya magawa, dahil meron siyang sinusunod at nirerespetong gag order ng hukuman.

“Masarap sanang ikuwento ‘yun ngayon para kahit paano naman, e, maintindihan ng mga kababayan natin si Claudine, pero may gag order po kami, nirerespeto ko ‘yun,” sinserong pahayag ng abogado.

Wala pa pala sa kalahatian ang giyerang ito ng magkakadugong Barretto, ayon sa abogado ni Claudine ay napakarami pang magaganap, ‘yun na lang ang kailangan nating abangan ngayon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending