Sulat mula kay Moding, ng Barangay Poblacion 4, Cotabato City
Problema:
1. Pitong taon na kaming nagsasama ng mister ko pero wala pa rin kaming anak. Nanlulupaypay na ako’t nawawalan ng pag-asa. Nagtataka na ako kung bakit hindi ako nabubuntis.
2. Pati ang doktor na tumingin sa akin ay hindi maipaliwanag kung bakit hindi pa ako nabubuntis gayong wala naman daw siyang nakitang diperesiya sa akin. Mabubuntis pa ba ako? Kailan? Ang birthday ko po ay Peb. 15, 1978. Ang asawa ko ay Enero 12, 1976.
Umaasa,
Moding, ng Barangay Poblacion 4, Cotabato City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mo (Illustration 2.) ay nagkataong Aquarius din ang iyong mister. Ito ay nagsasabing, compatible at tugma naman kayong dalawa dahil kapwa kayo nagtataglay ng elementong hangin. Ibig sabihin, mas makabubuting gumawa kayo ng baby habang bukas ang aircon. Makikita n’yo at mas madali kayong makabubuo ng baby.
Numerology:
Ayon sa birth dates ninyo, pabor ang taon 2014 para makabuo na kayo. Ang ibig sabihin, sa nasabing taon, tiyak ang magaganap— isang malusog na lalaking sanggol ang isisilang.
Luscher Color Test:
At upang matiyak na magbubuntis ka, bukod sa pagamit ng aircon sa inyong silid ay gumamit din kayo ng kulay na pula habang nagtatalik. Sa ganyang paraan ay mas magiging masigla ang egg cell mo at ang sperm cell ni mister na sa sandaling nag-meet ay isang malusog na lalaking sanggol ang kusang mabubuo sa iyong sinapupunan.
Moding, ayon sa iyong kapalaran, sundin mo lang ang mga mungkahing inilahad na sa itaas at panayin lang ninyo ang pagtatalik, lalo na pagsapit ng bagong buwan, first quarter full moon, at makikita mo, tulad ng nasabi na, may mabubuong sanggol sa iyong sinapupunan upang pagsapit ng siyam na buwan ay isang malusog na lalaking sanggol ang magdadala ng kakaibang suwerte sa inyong relasyon at kukumpleto sa iyong pagmamahalan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.