HOROSCOPE, DECEMBER 30, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, DECEMBER 30, 2013

Madam Sophia - December 30, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa pagpasok ng taong 2014, matutong magpasalamat sa biyayang natatangap. Sa pag-ibig, bigyan mo ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging lustay kahit maliit ang kinita. Mapalad ang 3, 18, 21, 33, 39 at 45, Mahiwaga mong mantra: “Om-Mani-Padme-Hum”. Pink at lilac ang buenas na kulay.
Aries – (Marso 21-April 19)— Magiging masagana ang 214, magbubukas ng bagong dagdag na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, mas mainit na romansa ang mararanasan mula sa kasuyong Leo na hindi parin nagsasawa sa iyong kagandahan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kulang ka sa “libido” kaya mabagal ang pag-unlad. Sa taong ito 2014, dagdag na ehersiyo at pagkain ng gulay at prutas ang dapat upang umangat ang enerhiya. Sa pag-ibig, ipagluto ng masarap na ulam ang kasuyo upang muling uminit ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 33, 39, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa 2014 habang kilos ng kilos, patuloy ag pag-lago at pag-dami ng pera. Sa pag-ibig, isang nakakikilig na romansa ang magse-selyo ng taon. Mapalad ang 4, 14, 23, 31, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Bilis-Mira-Colum.” Gold at  pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Magtiwala sa kasuyo, sa taong 2014 makaka-tisod din siya ng malaking suwerte. Sa pinansiyal, kung hindi ka magiipon, sino pa ang maaasahan para sa future?  Sa pag-ibig magpaparamdam at biglang mag te-text ang dating minamahal. Mapalad ang 5, 14, 22, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Radya-Neshaya-Om.” Blue at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa 2014 darating na ang pinakahihitay. May mabungang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran. Sa pag-ibig, matutugunan na rin ng kapwa pag-ibig ang pag-ibig na matagal ng inililihim sa isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 38, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa 2014  kung lagi kang may kadebate paano papasok ang maraming pera? Panatiliin ang pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, hayaang ang ideya ng kasuyo ang siyang masunod. Mapalad ang 3, 18, 27, 35, 45, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yantra-Migeta-Dosha-Om.” Violet at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa isang hindi sinasadyang pangyayari nakakikilig na relasyon ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansiyal sa tulong ng isang kaibigang Taurus dagdag na kita ang matatangap. Mapalad ang 9, 18, 26, 34, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Gold at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—May magte-text, may magandang balita kang matatanggap. May mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig ito ang araw na laan sa iyo upang gawin ang pinaka-masarap, puntahan na ang kasuyo! Mapalad ang 4, 18, 33, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Wagiswari-Padme-Om”. Violet at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dagdag na pahinga ang kailangan upang magbalik ang dating sigla. Umuwi muna sa probinsiya upang magninilaynilay at mag-relaks. Sa pag-ibig, laging isama ang kasuyo saanman mag-punta. Mapalad ang 2, 10, 28, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Miraculum-Om.” Green at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Matapos ang maraming hirap na pinagdaanan may malaking sopresang darating. Sa pag-ibig, isang bongang-bonggang romansa ang naghihintay sa pagpasok ng 2014. Sa pinansiyal, ituloy ang iniisip na negosyo kahit maraming komokontra. Mapalad ang 2, 16, 20, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Namo-Loes-Sawa-Om”. White at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag maging mapagkunwari! Sa negosyo, laging maging tapat sa kausap upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, tigilan na ang panlilinlang sa kasuyong uto-uto. Mapalad ang 1, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Huwag ipagpalagay na malayo ka sa nais mong marating. Sa 2014 hindi mo mamamalayan abot-kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig, hinihintay ka ng kasuyo wag ng magdalawang isip pa- puntahan mo na siya. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending