PVAO claimants ang dapat kausap | Bandera

PVAO claimants ang dapat kausap

Lisa Soriano - December 20, 2013 - 03:00 AM

AKSYON Line,

Magandang araw po. Ito ay followup na sula sa nauna kong naipadalang liham na nagpapatulong sa pagtatanong kung ano na po ang naghihintay sa claim sa PVAO. Ang mga claimant po na nagpapatulong ay sina Ma-
dangking Macasasa Kanda, claim # OW F11-92-001289 at Gimbo Pangagilan Batus claim # OW-F11-90-000592.

Madam Soriano, marami na pong nagpa follow up na may SPA pero hanggang ngayon ay wala pa ring resulta kaya lakas loob na akong dumulog at sumulat sa inyo upang magpatulong dahil nababasa ko dito sa Bandera na marami na ka-yong natulungan na asawa ng mga beterano.

Sana po ay malaman namin ang dahilan kung bakit ganito ang takbo ng papeles nila.
Gumagalang at naghihintay ng sagot,
Mr Khasan
Masnasabulod
Pagalungan,
Maguindanao
ARMM

REPY: Mahal na Ginoong Masnasabulod,
Ikinalulungkot po naming ipabatid sa inyo na tanging ang mga
aplikante o claimant lamang po ang maari naming kausapin hinggil sa anumang bagay tungkol sa kanilang mga claims sa PVAO.

Sang-ayon po sa Batas Republika Bilang 6948, ang mga impormasyon ukol sa claims ay “confidential” at maaari lamang po naming ipabatid sa claimant mismo o sa kanyang immediate family o malapit na ka-mag-anak.

Ito po ay dahil pinapangalagaan po namin ang interes ng aming mga claimants mula sa mga fixers na kadalasa’y nanloloko sa kanila, hindi po lahat ng Special Power of Attorney o SPA ay aming tinatanggap. Sinusuri po naming mabuti ang relasyon ng attorney-in-fact sa principal at ang rason kung bakit hindi maaaring personal na makipag-ugnayan sa aming tanggapan ang claimant.

Maari po ninyong payuhan sina G. Gimbo Batua at Gng. Madangkong Kanda o ang kanilang mga kaanak na personal na makipag-
ugnayan sa aming tanggapan dito sa Camp Aguinaldo o sa alinmang Field Service Extension Office (FSEIO) sa Mindanao na malapit sa kanila.

Maari rin po silang tumawag sa aming Claims Division sa telepono bilang 912-4760.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
Lubos na
gumagalang,
(signed)

MARIA JUANITA S. FAJARDO-RIVERA
Public Information Officer
Philippine Veterans Affairs Office
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending