HOROSCOPE, DECEMBER 19, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, DECEMBER 19, 2013

Madam Sophia - December 19, 2013 - 03:36 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung naisasakatuparan mo lang ang mga inisip, mayaman ka sana ngayon! Magagawa mo pa naman kung  kikilos ka na ngayon. Sa pag-ibig at pagkakaperahan aksyon ang kailangan. Mapalad ang 1, 7, 19, 22,  34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Vedanta-Om-Govinda.” Beige at red ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—Isip-bata ka pa kasi! Makakamit ang maturity kung tanggapin ng maluwag sa loob, “ang lahat ng bagay ay lumilipas at  nawawala rin.”  Liligaya ka sa pag-ibig, kung sino man ang nandyan yon na lang ang pagtiyagaan. Mapalad ang 1, 11, 19, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dosya-Om.” Green at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Mas marami kang kikitain kung mabubuhay ka sa sarili mong pagpapasya. Sa pag-ibig, wag silang intindihin, tama ang nasa isip mo, “kanya-kanya ng “taste” yan, wala kayong paki-lam!” Mapalad ang 7, 19, 25, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trium-Savitra-Om” Maroon at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Samantalahin ang papalapit na Bagong Taon. Kalakal na bilog na prutas at tumutunog ang dapat.  Sa nasabing produto malaking halaga ng sapali ang tutubin.  Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at brown ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kailangan gamitin ang isip sa halip na puso! Magpakatuso upang yumaman. Sa pag-ibig, wag magpa-impluwensiya sa maluhong pamumuhay ng kasuyo. Ngayon palang paghandaan nyo na ang future. Mapalad ang 1, 9, 28, 37, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Purple at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— ‘Wag kang manghinayang sa mga bagay na wala sayo, ikalulungkot mo lang yan! Pahalagahan at pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange  at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Isagawa at bigyang aksyon ang anomang iniisip, sa ganyang paraan hindi ka mapagbibitangang puro ka lang kuwento.  Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis na yumaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Sa pinansyal, isa lang naman ang susi upang yumaman, maging masinop  at matipid. Wag sumabay sa maluhong pagasta ngayong kapaskuhan.  Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Green at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang mag-init ang ulo upang patuloy na dumating ang suwerte. Sa negosyo, kung  magiging mahinahon, mas malaking kita ang makakamit. Sa pag-ibig, hinahon din ang susi upang mapakitunguhan ng maayos ang topaking kasuyo. Mapalad ang 3, 9, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa pinansiyal, produktong may kaugnayan sa pagkain ang simulan. Puto-bibingka at iba pang pagkain pampasaya ngayong Simbang Ggabi ang dapat. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang di ka nya iwanan. Mapalad ang 3, 12, 21, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Deva-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang mahalaga patuloy na nagsisikap. Pagbutihin pang lalo ang anomang ginagawa. Ang salapi at maligayang pag-ibig ay kusang dumarating sa takdang panahon kung lagi kang naka-red. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om Arhate-Om-Padme.” Bukod sa red ang blue ay buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig, wag gawing kumplikado ang mga buhay –  manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang advice ng isang kaibigang Sagittarius. Mapalad ang 9, 12, 27, 39, 42, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna-Hare.” Purple at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Simulan mo ng gumising ng maaga, upang marami kang magawa na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, Magsimbang Gabi muna, upang lalong sumarap  ang romansa. Mapalad 6, 16, 24, 33, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jhana-Om-Nama.” Gray at pink  ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending