BANDERA "One on One": Anne Curtis gustong maging Nurse! | Bandera

BANDERA “One on One”: Anne Curtis gustong maging Nurse!

- September 04, 2009 - 09:45 AM

Anne Curtis One on OneNaka one-on-one ng BANDERA si Anne at may kakaiba siyang rebelasyon, basahin na!

NAKAUSAP ng BANDERA ang isa sa popular young actresses ngayon sa mundo ng showbiz na si Anne Curtis. And some of what she told us really surprised us. Example: may balak daw siyang mag-aral ng Nursing sa Australia dahil gusto niyang maranasang maging isang “mother.” Kaloka, di ba? If you want to learn more about Anne, narito ang aming one-on-one interview with her.

BANDERA: Anu-ano ang ginagawa mo kapag wala kang shooting or taping?

ANNE: Sleep. Talagang kulang na kulang ako sa tulog at pahinga, especially kapag sunud-sunod ang taping or shooting, tapos may mga guestings pa here and there. Kung hindi naman sleep, nagpupunta ako sa salon. Kung ano yung mga bagay na hindi ko nagagawa throughout the week, yun ang mga pinagkaabalahan ko. Gumagawa kasi ako ng to-do list ko, sinusulat ko talaga yung mga hindi ko nagawa. Like this week, ‘yung mga clothes ko na dapat i-alter, or yung mga pictures na kailangang ipa-develop, then paying the bills, yung mga ganu’n. Ako talaga ang nagbabayad sa mga bills ko, like sa credit cards, sa phone.

B: Nagpupunta ka pa ba sa malls?

A: Yeah! Love ko ang malls. I go to Rockwell, sa Greenbelt, minsan sa Podium. Sa Sucat kasi ako nakatira, di ba, so du’n lang ako nagmo-mall, malapit sa bahay.

B: May beauty secrets ka ba?

A: Moisturizers. Importante sa akin yun. Tapos kailangang mag-wash ako ng face bago matulog. Madali kasing ma-irritate ang skin ko kapag hindi ako nakakapaghilamos, lalo na kapag galing sa work.

B: Pinuproblema mo raw ngayon ang mga nunal mo?

A: Sobrang dami kong moles. Yung iba lumalaki nga. Alam ko ito ang kailangang ipatanggal (sabay turo sa kanyang buhay na nunal sa may kanang dibdib), tapos itong dalawa (isa sa mata, isa sa likod) under observation, na kapag nag-develop pa, or lumaki, kailangan na talagang ipatanggal. Pero okay pa naman siya. Last time na ipina-check ko siya, okay pa naman siya.

B: Naliligo ka rin ba ng gatas tulad ng ilang female celebrities?

A: Gatas? Ang yaman? Okay na sa akin ang Nawasa. Mahal ang gatas ngayon! Hahaha!

B: Anu-ano ang makikita sa kikay kit mo?

A: Lip balm, cheek tint, make-up, mirror. My cellphone, tsaka comb.

B: Ano ang dream wedding mo?

A: I really like the sunset, basta outdoor. Super favorite ko kasi ang sunset, ang dami-dami kong pictures na sunset. Hindi ko pa alam kung beach, or sa mountain, basta kailangan may sunset habang kinakasal ako. Bata pa lang kasi ako, talagang gustung-gusto ko na ‘yung feeling na may sunset.

B: Mga qualities na hinahanap mo sa lalaki (sa magiging husband mo)?

A: Actually, ang gusto ko talaga matalino. Yung whole sense of being. Kasi ako, di ba, I’m a very career-driven woman, independent, so as much as possible, ganu’n din ang gusto ko. Ayaw ko naman nu’ng mayaman nga pero wala namang ginagawa. Yung umaasa lang, di ba? Gusto ko kahit na may kaya siya, still very hardworking pa rin, yung upbringing niya is very career-driven.

B: Sa mga suitors mo ngayon, may qualities na ba na ganu’n?
A: Meron naman. Hahaha! Merong mga taong ganu’n na may kaya sa buhay, you know they make extra effort to earn a living, talagang ginagawa nila ang lahat para ma-prove nila sa lahat na kaya nilang tumayo sa sarili nilang mga paa, kahit na may kaya sila. It’s very inspiring din, kasi kailangan ko din ‘yun, e, yung may mag-i-inspire sa akin to trigger my mind in pushing myself as well. Kasi nagiging stagnant ka na kapag hindi ka natututo sa partner mo.

B: Si Sam Milby ba ideal husband?

A: Yes. He’s a perfect husband.

B: So, sina Richard Gutierrez and Oyo Sotto, hindi ideal husband?

A: No naman, it’s just that when I was with Sam, mas mature na yung pag-iisip ko. With Richard, we’re both young. Si Oyo rin, mas lalo pa akong bata. So, with Sam, you know, you would really think about it.

B: Inakala mo bang si Sam na ang mapapangasawa mo?

A: Yeah, I thought. But you know, sometimes good things must come to an end. I think what matters now is I still know that he’ll still be a good husband to someone, someday. I think, I have learn to accept it. It was harder before. But now, it’s fine. I’m happy and I’m enjoying my life now.

B: May plano ka bang bumalik sa school?

A: Yeah! Babalik ako sa school. Yun ang pinag-uusapan namin ng daddy ko ngayon, kasi I want to take up Nursing. Magna-nurse ako. Sobrang persistent nga ako sa pagsasabi sa daddy ko na yun ang gusto ko, kasi sabi niya huwag Nursing. Baka raw hindi ko kayanin, lalo na kapag nagpatung-patong yung work. Sabi ko sa kanya, I really want to try it, para naman masabi ko sa sarili ko na ginawa ko kung ano ‘yung dini-dictate ng puso ko. Why Nursing? Maybe because I wanna see myself na nag-aalaga or tumitingin sa mga pre-mature babies, sa mga nursery. Mother caring, ganu’n ang drama. Sabi ng daddy ko, in all honesty, it’s not a smart thing to do. Full load kasi, as a nurse, hindi lang basta-basta ganu’n ‘yun, lalo na kapag medyo loaded nga ako sa work. kaya I’m planning to study in Australia, may open universities sila du’n, yung hindi kailangang full load ka agad. You can take some units muna, then kung hindi mo kayang ituloy, pwede mong balikan yung remaining units. Aside from being a nurse, I also want to be a pre-school teacher because I really love kids. I think the reason why I wanted to be a nurse also, kasi in the end, kung wala na or finish na ako sa career ko sa showbiz, anywhere in the world it’s easy to find a job kapag Nursing graduate ka.te ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BANDERA Entertainment, September 4, 2009

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending