Tricycle driver kumulekta ng P126.3M lotto jackpot
ISANG tricycle driver ang nanalo ng P126.3 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 sa bola noong Disyembre 12. Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay nag-iisang tumaya sa mga lumabas na numerong 12-08-37-17-20-09. Ang nanalo ay 59-anyos at mayroong tatlong anak. Nakatira siya sa Batangas. Sinabi ng nanalo kay Rojas na ang mga numerong lumabas ay kaarawan ng kanyang mga mahal sa buhay. Nagkakahalaga ng P100 ang kanyang itinaya para sa naturang bola. Naglalaan umano ang nanalo ng pera na pantaya sa araw-araw mula sa kinikita nito sa pamamasada. “Hindi po ako nawalan ng pag-asa sa kabila po ng 18 walong taon kong paghihintay,” saad ng nanalo. Plano niyang pumasok sa transportation business at bumili ng sariling bahay at lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.