Anne nagalit sa balasubas na bus driver | Bandera

Anne nagalit sa balasubas na bus driver

Ervin Santiago - December 17, 2013 - 03:00 AM


ILANG local celebrities ang na-shock at nahabag sa naganap na aksidente kahapon ng madaling-araw sa southbound ng Skyway kung saan 22 katao ang nasawi.

Isang unit ng Don Mariano Transit bus na may plakang UVC 916 ang nahulog sa skyway dakong 5 a.m. sa Brgy. Marcelo Green, Parañaque City. Tumama ito sa isang van sa ilalim ng tulay na ikinasugat naman ng mga pasahero nito.

Nasa kritikal na kundisyon daw ang mga nasabing biktima. Unang-unang nagpahayag ng pakikisimpatya at pakikiramay sa pamilya ng mga namatay sa nasabing aksidente ay si Anne Curtis na galit na galit sa mga balasubas na driver sa kalye.

Ayon sa TV host-actress napakaraming bus driver sa Pilipinas na walang habas kung magpatakbo ng kanilang sasakyan, lalo na sa mga highway, aniya, “most misbehaved drivers on the road” ang mga bus driver.

Dahil dito, nanawagan si Anne na sana raw ay magkaroon na ng bus line na pinapatakbo ng gobyerno. “Praying for all the lives lost on the bus accident this morning and the loved ones they left behind. Such sad news. :(” unang tweet ni Anne.

“I hope this is a wake up call to the government and MMDA. This isn’t the first time. Bus drivers are some of the most misbehaved drivers…

“…on the road. They are scary. Always after a quota they need to reach. The don’t stay in their lines and speed like crazy….
“Maybe it’s time we have government run & owned bus transportation.

Just like any other country. Maybe it would bring more discipline? 🙁 Maybe it’s time we have government run & owned bus transportation.

Just like any other country. Maybe it would bring more discipline? :(” panghuling tweet kahapon ng aktres. Bukod kay Anne, may ilan pang local artists ang nadismaya sa madugong aksidente, isa na riyan si Dimples Romana na nagsabing, “My prayers for the souls&families of those involved in the bus/van accident that happened earlier today along SLEX, magpapasko pa mandin :(”

Kahit ang Asian actress na si Carmen Soo ay nagbigay din ng pakikiramay sa mga namatay sa sakuna, “Sad morning. RIP to those who lost their lives in the bus accident.”

Sa huling ulat, nabatid na sinuspindi na ang operasyon ng iba pang mga bus ng Don Mariano Transit Corporation. Sa kautusan ng LTFRB, sasailalim sa 30-day preventive suspension ang nalalabing 78 units ng Don Mariano Transit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending