BINATO ng maaanghang na salita at hamon ni Sen. Antonio Trillanes si Pangulong Aquino hinggil sa pahayag nito na wala siyang magagawa sa nakaambang pinakamataas na singil ng kuryente.
Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Trillanes na presidente si Aquino at imposibleng wala siyang magagawa para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente.
Kasabay nito, hinikayat ni Trillanes ang taumbayan na magalit kina Aquino at sa mga politiko para kumilos ang mga ito kontra mataas na singil sa kuryente.
Nangangamba si Trillanes na kapag nakalusot ang mataas na singil, muli na naman itong itataas hanggang sa hindi na kayang bayaran ang presyo ng kuryente.
Sinabi ni Trillanes na may magagawa si Aquino para mapigilan ang mataas na singil. Hinamon ni Trillanes si Aquino na subukan ang desisyon ng Supreme Court hinggil sa paggamit ng Malampaya fund at gamitin ito para di umiral ang nakaambang taas na P4.15 per kilowatt hour.
Sinabi ni Trillanes na kailangan ang malakas na political will para di matuloy ang pagtaas ng singil sa kuryente.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.