‘Xian magpakatotoo ka, kung hindi, baka masampal kita!’
KUMPORME naman ako sa pakiusap sa aming huwag nang palakihin ang isyung ito – ang galit namin ni Papa Ahwel Paz sa male starlet ng ABS-CBN na si Xian Lim dala ng pambabastos niya sa amin last Tuesday evening.
Regarding the story ng pagka-high blood namin sa malamyang aktor-aktorang ito, please refer na lang to BANDERA edition last Thursday or sa aming Facebook account dahil naka-post doon ang reason kung bakit kami nanggagalaiti sa mamang ito.
Through some good friends ay nagpaparating si Xian ng apology niya pero may karugtong na, “I didn’t mean to disrespect you kaya sorry kung na-offend ko kayo.
Masyado kasing maingay at magulo sa Araneta Coliseum,” na parang gusto niyang palabasing hindi niya narinig nang mabuti ang tanong namin sa kanya para sagutin niya kami ng, “Ano ba namang klaseng tanong iyan?” sabay walkout.
Mas gusto ko pang marinig sa kaniya ang honest na panghihingi ng dispensa like “pasensiya na that night kasi mainit ang ulo ko” or “pasensiya na kung na-offend ko kayo kasi hindi maganda ang naging dating sa akin ng tanong ninyo” pero para magdahilan ng extreme kababawan para lang iabsuwelto ang sarili, stupid ka.
Baka it will take another lifetime bago ka namin mapatawad. At huwag mong masyadong maliitin ang DZMM dahil for your information, napakalaking kompanya nito sa broadcasting business and is owned by our mother network – ang ABS-CBN na pinagkukunan mo ng lalamunin mo.
Take note babakla-baklang Xian, number one po kami amongst the AM stations nationwide kaya huwag kang mapanghamak.
Kami naman ay mabababaw lang – magalang kami at may gentleman’s words.
We’ve carried that torch since day one ng pagtungtong sa industriyang ito. Lalo na si Papa Ahwel Paz na napakadisente at napakatalino and very careful not to offend anyone in many ways.
Ako pa nga itong medyo palaban kahit paano kaya mas naawa ako kay Papa Ahwel sa ginawa mong pang-iinsulto sa amin. Pero mapagpatawad naman kami pag maayos kang nanghingi ng dispensa, tsaka hindi kami takaw-camera.
Ang kabaitan at kasalbahian namin (lalo na ako) ay on and off the cameras. What you see is what you get, ika nga. At dinibdib namin ang mga bilin sa amin ng mga magulang naming huwag makasakit ng kapwa, maging compassionate because life is very temporary on earth.
Ilang malalaking bituin na ba ang nakasagupa namin sa tagal namin sa industriyang ito. Ako? I’ve been here for more than 30 years already at napakarami ko nang pinagdaanan sa mundong ito – some good and some not so good.
I’m more than half the journey na rin sa buhay pero kailanman ay hindi talaga ako pumayag na mabastos ng kahit sino.
We are very peace-loving pero we are also ready for any kind of war, Xian.
Kumbaga sa usapang kanto, libu-libong sakong bigas at asin pa ang kakainin mo bago mo mapantayan ang mga paghihirap at gloryang naranasan namin sa negosyong ito.
And we’d like to send you a right message in our own little capacity – na wala naman talagang perpektong tao sa mundo – tayong lahat ay nagkakamali at dapat nating alalahaning ang bawat pagkakamali ay may kaakibat na consequence.
Kaya nating bumangon pag nadapa at sabi nga nila, lahat nang problema ay naaayos nang paupo. Basta ba totoo ka lang – huwag magpalusot dahil wala itong magandang idudulot kaninuman.
Kumbaga, papunta ka pa lang Xian Lim, nakailang balik na kami. Hay buhay, we’ll see kung maaayos namin ito that soon. Depende iyan kay Xian – kung magpakatotoo lang siya dahil kung hindi, baka masampal ko lang siya.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.