Chef Boy Logro nagpapatayo ng unibersidad at simbahan
MAYROON na palang 50-hectare property sa Compostela Valley na under construction ang itinatayong University for the Chefs ni Chef Boy Logro, na may resort pa at ibang amenities plus simbahan.
“This is my way of giving back the glory. Advocacy namin kasi talaga ang makatulong,” sey sa amin ni Chef Logro nang makasama namin sa mesa during the OWWA’s event na Model OFW Family Awards Night sa PICC noong Lunes ng gabi.
Binigyan ng nasabing ahensya si Chef Boy ng parangal dahil bilang isang dating OFW, nagsilbi raw itong inspirasyon at mabuting halimbawa sa mga OFW natin. Sa tinatamasa nga naman niyang tagumpay sa showbiz, nararapat nga yun dahil tunay namang inspiring ang buhay niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.