Oportunidad sinayang lang ni Mar Roxas
ANO ang bagay na una mong iisipin kung ikaw ay isang mataas na pinuno ng pamahalaan sa panahon ng matindi ang pangangailangan dahil sa napakapaminsalang kalamidad na tumama sa bansa?
Sa gitna ng kamatayan at dalamhati, iisipin mo pa ba ang politika at parti-partido? Iisipin mo pa ba ang dekadang alitan o laban ng mga angkan sa politika?
“ You have to remember that you are a Romualdez and the president is an Aquino…”—by now, we all know who said this, Interior Secretary Mar Roxas.
In whatever context this line was uttered, I am sorry to say that I see no justification, not even insight or perspective or even foresight. Typhoon Yolanda’s devastation practically crippled Tacloban City and the State, the national government led by an Aquino, President Benigno Aquino III, is the president of all Filipinos and his duty is to everyone, even if it meant working with a Romualdez.
But to be fair, it was not the President who spoke the words, but one of his alter egos and one of the closest to him from his Cabinet. There was another line uttered: “Bahala kayo sa buhay ninyo”.
Muli, sa anumang anggulo o sirkumstansiya tingnan, ang naging pahayag ni Roxas, sa ganang akin ay hindi dapat sinabi.
Subalit kung nagsasalita si Roxas na kasama ang katapatan ng kanyang damdamin, paano nga bang maihihiwalay ito sa kanyang mga salita? Ang ibig kong sabihin, lumabas lamang marahil sa kanyang bibig ang nilalaman ng kanyang damdamin o ang kanyang paninindigan sa mga bagay-bagay na patungkol sa inaakala o napagtuos niyang mahalagang bagay na mabanggit sa pulong na yaon.
Kung mahihiram ko lamang ang sapatos ni Sec. Mar ng mga sandaling yaon, sa harap ng nandudumilat na katotohanan na kailangan ng lokal na pamahalaan ng Tacloban ang tulong ng national government na kanyang kinakatawan bilang kalihim ng DILG sa pagkakataong iyon, ang sinabi ko sana ay ganito, “ Ano ang natitira pa sa mga resources ninyo? Ilan ang natitirang tao o ahensiya ng lokal na pamahalaan ang puwedeng gumana? Aling mga lugar ang kailangan nating unang puntahan? May mga maililigtas pa ba tayo? Ito ang ating gagawin…Ito ang ibibigay na tulong sa inyo ng INYONG PAMAHALAAN ngayon!”
Hindi ba’t mas magandang balita na ang isang pangulo na AQUINO ang apelyido ay tumutulong sa isang ROMUALDEZ na isang opisyal ng lokal na pamahalaan at kasama sa biktima ng trahedya?
Saka na yung legalities, technicalities, yung first responder, second responder, kita na nga eh, dapang-dapa na nga eh, at kailangan na ng tulong ng national government.
It would have been the biggest political story sans spins and blitz if that was what took place in the meeting and the days immediately after supertyphoon Yolanda made landfall.
Kung bakit naisip iyon ni Secretary Mar sa pagkakataong iyon, paumanhin, sa ganang akin, ay lumalarawan lamang ng damdaming umiiral sa oras na iyon na hindi niya napangimbabawan o napagtagumpayang makitil o masagka o mapagtakpan man ang alang-alang sa katotohanan ng kawalan, kamatayan at kalituhan na iniwan ng trahedyang naganap.
Mar Roxas actually had the biggest opportunity to win the biggest points of his political career had he chosen not to utter those words, even if those words were mentioned in consideration of political realities as well as legal and technical requirements vis-à-vis governance.
Tapos na, nasabi na, nangyari na, alam na. Ngayon, ang tunay na hamon, ay kung paano ibabangon ang Tacloban.
Malinaw na sa amin, dun ang Aquino, dun ang Romualdez, kasama ang mga Marcos, oo, may great political divide, oo na, pero puwede, yung tunay na trabaho na ang pagtuunan ng pansin?
Wala naman silang pagpipilian kundi ang mag-cooperate sa isa’t isa. Now na…PLEASE…nag-explain na kayo both, tama na. Marami na rin kaming nasabi, act na kayo, now na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.