Legalizing habal, skylab | Bandera

Legalizing habal, skylab

Leifbilly Begas, Lito Bautista - December 11, 2013 - 03:00 AM


UMANI ng iba’t ibang reaksyon ang panukala ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal na gawing legal ang operasyon ng mga habal-habal at skylab na kalimitang ginagamit sa mga liblib na lugar.

Tutol ang mga sumagot sa random poll     ng Bandera sa Laak, Maragusan, Mabini at Mawab sa lalawigan ng Compostela Valley; Jose Dalman (Ponot), Kalawit, Katipunan, at La Libertad sa Zamboanga del Norte; at barangay Batangan, Lourdes at Maapag sa Valencia City.

Anila, dagdag gastos lang at pagpapaperahan lang sila kung ire-regulate ang kanilang pinagkakakitaan. Sinabi ni Oaminal na para sa kapakanan ng mga pasahero ang kanyang panukala.

Ang mga pasahero umano na maaksidente—masusugatan o mamamatay—sakay ng habal-habal ay walang makukuhang benepisyo sa insurance.

Ginagawa rin umanong gatasan ng mga traffic enforcer ang mga driver ng habal-habal. Kung maisasabatas ang panukala ni Oaminal, kailangang magparehistro ang mga habal-habal sa mga lokal na pamahalaan kung saan sila bumibiyahe.

Ang Department of Transportation and Communication naman ang naatasan na magpalabas ng guidelines para rito.
Kailangan din na kumuha ng insurance ang mga habal-habal para may makuhang benepisyo ang kanilang mga pasahero sakaling sila ay maaksidente.

Ang habal-habal o skylab ay motorsiklo na pinahaba ang upuan upang mas marami ang sumakay, na dahilan kaya bumabagal ang takbo ng motorsiklo.

Isang safety engineer ng manufacturer ng isang Japanese brand na motorsiklo ang nagsagawa ng pag-aaral sa habal-habal para maibenta ang kanilang 155cc. Pero mukhang hindi ito bumenta.

Mukhang ang kailangang pag-aralan ni Oaminal ay kung papaano mapapababa ang presyo ng gasolina na ginagamit ng mga habal-habal.

MOTORISTA

Tunog FZ
BAKIT po may tunog ang Yamaha FZ ko, gayung bago naman ito?  Ang sabi nila ay talagang ganoon lang daw.  Pero ang sabi ng iba ay dapat walang tunog.
…6613

BANDERA

DAPAT tahimik ang makina ng FZ, kung ang tukoy mo ay tunog mula sa makina.  Maraming dahilan para magkaroon ng ingay mula sa makina at isa riyan ay ang lumihis na adjustment ng valve clearance.  Ibalik mo ang FZ sa dealer dahil dapat covered pa ito ng kanilang warranty.
——
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769.

Classifieds Motor
HONDA XRM 125 P40k 0905-7023774

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending