Ate Vi: Kung hindi ako tatakbo sa 2016, gusto kong magdirek! | Bandera

Ate Vi: Kung hindi ako tatakbo sa 2016, gusto kong magdirek!

Reggee Bonoan - December 10, 2013 - 03:00 AM

VILMA SANTOS INQUIRER

Sa tsikahan namin kay Batangas Gov. Vilma Santos sa nakaraang 2013 Ala Eh Festival ay tinanong namin kung ano ang masasabi niya na nali-link ngayon ang panganay niyang si Luis Manzano kay KC Concepcion at may tsika pang nauunsiyame lang daw ang plano ng TV host-actor dahil natataon na parati silang may sabit, as in laging may dyowa.

Tumatawang sabi ni Ate Vi, “Nauuna pa kayo? Wala, basta, binata ang anak ko.”

Dagdag pa nito, “Hayaan na muna natin. Ba’t ako makikialam diyan. Hihintayin ko na lang siyang pumunta sa akin at magsabi.”

Samantala, natanong din kung nakikita na ba ng Star for All Seasons na susunod sa yapak niya ang panganay na anak sa pulitika? “Si Lucky, hindi ko alam itong 2016. Pero someday I think, baka nandoon din siya, eh.

“Kasi nagda-dive siya sa Mabini (Batangas), every other week or minsan, every weekend, concerned siya sa marine life, sabi niya, ‘Mom, ha, lumalabo na ‘yung tubig do’n, ha! Mom, asikasuhin mo ‘yung ganito. Mom kumuha ka ng chambers sa mga divers.’ ‘Yung may concern na ganu’n.

“So, kung paplanuhin niya ‘yan, okay lang. Walang masama. Pero kamukha ko, dapat maghanda siya. Hindi basta-basta,” katwiran ni Ate Vi.

Hindi pa alam ni Ate Vi kung ano ang plano niya pagkatapos ng term niya bilang gobernadora ng Batangas dahil hindi raw ito pinaplano. Pero may sigurado siyang gustung-gusto niyang gawin, “Alam mo, ang talagang gusto ko, gusto kong magdirek ng pelikula.

“Looking forward ako do’n. Given the chance sa darating na eleksyon at hindi ako tatakbo, I will make sure that I will do one movie as a director.

“Basta ang dream (project) ko lang, ‘yung parang nangyari lang sa loob ng 24 oras. ‘Yung gusto ko ‘yung bida, magandang-maganda sa umpisa, hanggang papangit nang papangit, padumi nang padumi hanggang ending,” kuwento ni Ate Vi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending