Charice iwas na iwas sa isyu ng paglalaslas, mukhang may inililihim | Bandera

Charice iwas na iwas sa isyu ng paglalaslas, mukhang may inililihim

Cristy Fermin - December 10, 2013 - 03:00 AM

ALYSSA QUIJANO AT CHARICE

Dalawang bagay ‘yun. Puwedeng kaya hindi nagpapaliwanag si Charice Pempengco tungkol sa mga rebelasyon ng kanyang Nanay Tess Relucio ay dahil ayaw niyang bigyan ng panahon ang mga kuwento ng kanyang nanay-lola tulad ng pagtatangka niyang maglaslas ng pulso dahil wala na siyang pera.

Puwede rin namang may hibla ng katotohanan ang ipinahayag ng kanyang lola sa Showbiz Police, pero ayaw na lang magsalita ni Charice, dahil masyadong lalawak ang sakop ng kontrobersiya.

Hanggang ngayon kasi ay walang opisyal na pahayag si Charice tungkol sa sinabi ng kanyang lola-nanay, isang maigsing komento lang ang sinabi niya sa Twitter, eksaherado raw ang ibang tao na ang palagay ng mas nakararami na pinatutungkulan ng international performer ay ang kanyang lola.

Pero totoo nga kayang wala nang pera ngayon si Charice? Parang mahirap paniwalaan ‘yun dahil sagana siya sa raket dito at maging sa iba’t ibang bansa man, nagpapatayo pa nga sila ng bahay ng kanyang karelasyong si Alyssa Quijano, ganu’n ba ang walang-wala nang pera?

Masipag naman si Charice, propesyonal pa, at kapag nagsimula nang kumanta ay wala ka nang ibang pamimilian pa kundi ang tumunganga na lang sa harapan niya dahil ibang klaseng mag-perform ang tibong ito.

Sana nga ay kuryente lang ang kuwentong nakarating kay Nanay Tess tungkol sa kanyang apo, harinawang walang katotohanan ang balitang nakarating sa kanya na nagtangkang maglaslas ng pulso si Charice, dahil sa kawalan na ng pera. Sana nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending