Boobs ni Rufa Mae sa Bubble Gang umalug-alog, ipinatawag ng MTRCB | Bandera

Boobs ni Rufa Mae sa Bubble Gang umalug-alog, ipinatawag ng MTRCB

Ervin Santiago - December 10, 2013 - 03:00 AM

RUFA MAE QUINTO

PAGKATAPOS kastiguhin si Arnold Clavio at ang morning show ng GMA na Unang Hirit dahil sa naging interview ng news anchor-TV host sa abogado ni Janet Napoles, sina Michael V at Rufa Mae Quinto naman ang kinalampag ng ahensiya.

Ayon sa report, muling ipinatawag ng mga bossing ng MTRCB ang ilang GMA executives, kabilang na sina Bitoy at Rufa Mae at ang mga taong nasa likod ng gag show na Bubble Gang para sa isang “mandatory conference”.

Sa Twitter account MTRCB, sinabi nitong nagkaroon ng “discriminatory and derogatory portrayal of a woman” ang Bubble Gang sa episode na umere noong Nov. 29, 2013. Nakatanggap ng reklamo ang ahensiya mula sa kanilang monitoring agents, partikular ang episode na pinamagatang “D Adventures of Susie Lualhati.”

Bukod daw sa may sexual connotation ang dialogue nina Bitoy at Rufa Mae ay halos mag-hello na rin ang boobs ng sexy-comedienne sa eksenang yun. Ipinakita sa nasabing segment ang eksena ni Rufa Mae na nag-a-apply bilang tagapagluto at tagabenta ng puto bumbong sa tindahan ni Bitoy. Narito ang palitan ng dialogue sa kinuwestiyong eksena ng MTRCB sa Bubble Gang.

Sir: “Ikaw ba yung mag-a-apply bilang tindera dito?”
Suzie: “Ah, opo, ako nga.”
Sir: “May ano ka na ba…experience ka na ba sa paggawa ng puto bumbong?
Susie: “Wala pa po, pero kaya ko namang subukan.”
Sir: “Ay naku, hindi puwedeng ganyan. E, ang kailangan ko ay may experience na sa pagluto ng puto bumbong kasi andami nang nag-apply dito, mga walang experience, hindi ko tinanggap. Mahirap na, kasi wala akong time magturo, e.”
Susie: “E, huwag ho kayong mag-alala sir, pakita niyo lang sa akin. Feeling ko, kaya ko talagang gawin ‘yan.”
Sir: “O, sige, pero isang beses lang ha? Wala akong time, e.”
Susie: “O, sige.”
Nag-demo na si Bitoy kung paano magluto ng puto bumbong.
Susie: “Isusuksok lang.”
Sir: “Oo, tapos pagkanaluto na, gaya nito o, ganyanin mo lang…”
Susie: “Tapos, ano po yung lalabas?”
Sir: “Itataktak mo na dito.”
Susie: “Ah, ‘yan na yun.”
Sir: “O, kaya mo ba yan?”
Susie: “Parang madali naman. O sige, ita-try ko.”
Dito na nagsimulang magluto si Susie.
Susie: “So, bubunutin ko na?” Habang tinataktak ang puto bumbong na pabilis nang pabilis kaya biglang dumami ang customer sa tindahan.
Susie: “Parang mahirap naman ata ‘to, sir. Parang walang lumalabas…A, a, a… grabe naman, sir…ang hirap naman pala.”
Itinuloy ni Suzie ang pagtataktak habang umaalog-alog ang kanyang dibdib na kitang-kita sa TV screen.
Susie: “Di ko na kaya Sir. Ang hirap… sa inyo na lang.”
Sir: “Ah, actually… tuloy mo lang yung ginagawa mo. Sige, tanggap ka na.”

Sa sulat ng MTRCB sa GMA, ipinunto nito na, “It appears that the segment stereotypically portrayed a woman as an object of rather frivolous, albeit carnal, delight. When women are treated as commodities, they are disrespected and degraded. The ‘commodified’ depiction of a woman in the program is demeaning and derogatory within the context of 16, Chapter 4 of Republic Act 9710, otherwise known as Magna Carta of Women.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending