WIN STREAK NG HEAT PINUTOL NG PISTONS | Bandera

WIN STREAK NG HEAT PINUTOL NG PISTONS

- , December 05, 2013 - 12:08 PM

MIAMI — Naputol ang 10-game winning streak ng Miami Heat matapos makalasap ng 107-97 pagkatalo sa kamay ng Detroit Pistons sa kanilang NBA game kahapon.

Si Kyle Singler ay gumawa ng 18 puntos para sa Pistons, na may pitong manlalaro na gumawa ng double figures at napigilan ang pagresbak ng Heat sa ikaapat na yugto.

Humablot naman si Andre Drummond ng 18 rebounds habang sina Greg Monroe at Rodney Stuckey ay nag-ambag ng tig-16 puntos para sa Pistons.

Sina LeBron James at Michael Beasley ay kapwa umiskor ng 23 puntos para sa Miami, na hindi pinaglaro si Dwyane Wade sa ikaapat na pagkakataon ngayong season bunga ng namamagang tuhod.

76ers 126, Magic 125  (double overtime)
Sa Philadelphia, kapwa nagtala ng triple-double ang mga rookies na sina Michael Carter-Williams at Victor Oladipo sa double-overtime panalo ng Philadelphia 76ers laban sa Orlando Magic.

Gumawa si Carter-Williams ng 27 puntos, 12 rebounds at 10 assists para sa Philadelphia habang si Oladipo ay kumana ng 26 puntos, 10 rebounds at 10 assists para sa Orlando, ang kauna-unahang pagkakataon na dalawang rookies ang nagtala ng triple-double sa parehong laro.

Si Thaddeus Young ay nagdagdag ng 25 puntos at 12 rebounds habang si Evan Turner ay may 24 puntos para sa Philadelphia, na pinutol ang four-game losing streak. Si James Anderson ay nag-ambag ng 19 puntos habang si Spencer Hawes ay may 17 puntos para sa 76ers.

Kumamada naman si Arron Afflalo ng career-high 43 puntos habang si Glen Davis ay may career-high 33 puntos para sa Magic.

Ang Magic, na galing sa 98-80 pagkatalo sa Washington Wizards noong isang araw, ay hindi nakasama sina Nik Vucevic (sprained left ankle) at Jameer Nelson (sprained left foot) bunga ng mga injury.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending