Kris: Ayoko nang mag-lovelife kung masisira lang ang pagiging nanay ko! | Bandera

Kris: Ayoko nang mag-lovelife kung masisira lang ang pagiging nanay ko!

Reggee Bonoan |November 30,2013
facebook
share this

Kris: Ayoko nang mag-lovelife kung masisira lang ang pagiging nanay ko!

Reggee Bonoan - November 30, 2013 - 03:00 AM


DIRETSONG inamin ng Queen of All Media na si Kris Aquino na siya lang daw ang maingay sa set ng pelikulang “My Little Bossings”, isa sa mga official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2013.

“Ako lang ang maingay sa set, parang lahat sila (ibang cast/production) puro zen, puro relax,” kuwento ni Kris sa nakaraang presscon ng “MY Little Bossings” na pinagbibidahan ng kanyang bunsong si Bimby, Ryzza Mae Dizon at Vic Sotto.

Ibang-iba nga raw sa nakasanayan niya sa ABS-CBN, “Alam na alam mo kapag ABS (crew) dumating na, kasi maingay parang may built-in loudspeaker at pag nagsasalita parang talkshow, performance level samantalang sila (crew and artists), bumubulong, relax kaya malalaman mo pag ABS nandoon na (set), natuto kami,” tumatawang kuwento ni Kris.

Tungkol naman sa lovelife ay dedma ang TV host, wala raw panahon si Kris sa usaping puso dahil baka mabura ang papuri sa kanya ni Vic na magaling at responsible siyang nanay sa dalawang anak niya.

“Siguro kung ilusyunin ko pa o ikarir ko pang magka-lovelife baka mag-suffer pa ang pagiging nanay ko, e, maganda naman ‘yung resulta, okay na ‘yun,” katwiran ni Tetay.

Parang batang nagsumbong pa si Kris na sobrang higpit daw ni Bimby kapag may lakad siya kasama ang ilang kaibigan, “Yung kuya niya zen, e, cool, itong isa talagang ang daming permisong pagdaraanan para payagan niya ako.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending