Tetay balak ampunin si Ryzza Mae, sey ni Bimby: I don’t like a sister!
AMINADO si Kris Aquino na posibleng maging number two lang ang “My Little Bossings” na entry ng OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment at Kris Aquino Productions ngayong 2013 Metro Manila Film Festival na pagbibidahan nina Ryzza Mae Dizon, Bimby Aquino Yap at Vic Sotto showing sa Dec. 25.
Kinunan ng reaksyon si Kris tungkol sa sinabi diumano ni Vice Ganda na ang pelikula niyang “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ang magna-number one sa filmfest.
“Posible, kasi track record niya, eh. Ako lang talaga ang pinagpe-pray ko, na may figure akong sinabi kay God, sabi ko, please give this to us. Whether number one or number two if we hit that figure, okay na, kuma-cartwheel na ako, nag-i-split na ako sa sobrang tuwa,” katwiran ng TV host-actress.
At kung ibabase sa kinita ng “Sisterakas” noong 2012 MMFF na nakapagtala nga ng pinakamataas na kinitang P396 million, napakahirap daw itong talunin, “Posibleng malampasan pagdating ng panahon na mahal na ang bayad sa sine,” katwiran sa amin ni Kris.
Ang target daw sana ni Vic para sa “My Little Bossings” ay P300 million dahil ang kinita raw ng “Enteng Ng Ina Mo” nila ni Ai Ai delas Alas ay umabot sa P289 million.
Samantala, inamin ng Queen of All Media na napanood na niya ang two thirds ng pelikula bago siya dumiretso sa grand presscon noong Miyerkules ng gabi. Sobrang papuri ni Kris kay Ryzza Mae dahil ang galing daw nitong umarte.
“I kept telling her na, Ryzza ba’t ang galing-galing mo, kasi a true star is lalong lumalaki on screen kapag pinapanood mong nagpe-perform, pero ‘yung talagang larger than life ang dating, ganu’n siya at tuwang-tuwa ako kasi ganu’n siya ka-humble.
“So talagang I was so captivated by the two (Ryzza at Bimby), siyempre proud na proud ang nanay so ang feeling ko, they have magic, may screen magic ‘yung dalawa kaya kilig na kilig ako na sabi ko nga, ang cute,” masayang kuwento pa ni Kris.
Malaki raw ang natutunan ng anak kay Aling Maliit, “Natuto talaga si Bimb na makihalubilo sa lahat, natuto siyang mag-po at opo. Kasi maraming nakuwento ‘yung mommy ni Ryzza sa amin na lahat ng pinagdaanan nila kaya natuto si Bimb na to be grateful with the things that we have.
“And they get along so well kasi parang na-realize ko na we should let them be children and i-enjoy nila ‘yung pagiging bata, so nakanood na kami ng sine together, tapos during brake, kasi si Bimb hates horror (films), e, si Ryzza mahilig, so nanood kami ng ‘Conjuring’, ng ‘Chucky’ (series), tapos sabi sa akin ni Ryzza), gusto raw niyang makita ‘yung original, so dinownload ko talaga, binili ko ‘yung ‘Child’s Play’ tapos gusto niyang makita ‘yung Bride of Chucky,” kuwento ni Kris.
Sa tanong kung malaki na ang nabago kay Bimby nang pasukin nito ang showbiz, “Hindi naman nabago, I’d like to think that I have a good kid, bumait talaga, kasi this little one, si Aleng Maliit, mabait talaga at walang kalakihan ng ulo, walang ere, hindi nagpi-feeling.
“Kasi si Bimb, nakikita niyang diva ‘yung nanay, so akala niya normal ‘yun, so noong nakatrabaho sila, nakita niyang puwede kang maging sikat na simple,” say ni Kris.
Nabanggit din daw ni Kris sa anak na i-adopt daw nila si Ryzza pero tumanggi si Bimby, “He said, ‘I don’t want a sister, I already have a brother’. Si Ryzza naman sabi niya, ‘No, may nanay na po ako,’ so ganu’n sila.
“Kaya promise namin kay Ryzza at sa mommy niya na beyond this movie labas pa rin tayo, close pa rin tayo, gawa tayo ng paraan para makalabas pa rin tayo, nood tayo ng sine, ganu’n. Mga normal lang na bagay, so far naman, nagagawa namin. Tapos kumportable na kami ng nanay niya na rati panay ang opo sa akin, ngayon okay na, pareho kaming nanay,” kuwento pa ni Kris.
Samantala, maraming natutunan si Kris kay bossing Vic bilang producer, “You know, I love him in the sense na he’s so cool. Ako talaga ultimo period, comma pakikialaman ko. Siya talaga puwede palang maging relax at maganda pa rin ang kinalalabasan, so ang dami-dami kong napulot sa kanya, trusting your people na magtiwala ka na they know what they’re doing, hindi kailangan lahat minamaniobra mo. Kaya siguro siya sa haba ng pinagsamahan nilang lahat, may tiwala siya,” sabi pa nito.
At bilang producer ay masyado siyang istrikto sa cut-off time nina Ryzza at Bimby, dapat 8:30 p.m. ay nakaayos na ang mga bagets at eksaktong 9 p.m. ay nakasakay na ng sasakyan at paalis na ng set.
Awang-awa nga raw si Kris kay Aleng Maliit dahil nu’ng nag-shooting daw sila ni Bimby sa palengke at sobrang init ay talagang sinumpong ng migraine ang bata, “I wasn’t there kasi, may trabaho ako, kaya three hours tengga, pinatulog, minasahe at naghintay kami.
“Kaya kaming lahat, nauunawaan namin na ang bata, hindi mo puwedeng puwersahin at kailangan, alagaan mo, that’s your responsibility as producer and as caring adult.”
Samantala, dedma si Kris ng hingan siya ng reaksyon tungkol sa pahayag ng ex-husband niyang si James Yap na hindi siya boto sa pagpasok ng anak sa showbiz.
“Ganito lang ‘yan, as long as I don’t react, it doesn’t become an issue, so the best thing for me to do is not to react, life is wonderful, life is beautiful. I’m mature na, in fairness. Yan din ang natutunan ko kay Vic, kung paano tumahimik,” nakatawang sabi ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.