Eula mission accomplished sa 1-mile swim, nakumpleto ang Search and Rescue training

HINDI lang sa teleserye kayang magpakatatag ni Eula Valdes, dahil pati sa totoong buhay ay certified action woman din siya!
Proud na ibinandera ng batikang aktres ang pagtatapos niya sa Search and Rescue Auxiliary Training (SARAT) bilang bahagi ng kanyang pagiging reservist ng Philippine Air Force.
At isa sa mga pinaka-highlight ng training? Ang one-mile swim na buong tapang niyang tinapos!
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinakita ni Eula ang ilang eksena mula sa training na puno ng lakas at determinasyon.
Baka Bet Mo: Eula Valdes hindi na nakapagpigil, sinindak ang pasaway na youngstar: ‘Umayos ka, lalamumin kita!’
Makikita sa kanyang mga post ang seryosong physical training na kinabibilangan ng mga strength exercises at matitinding swimming drills.
Ang kanyang training ay nagsimula pa noong unang bahagi ng Hunyo.
Hindi rin pinalampas ni Eula ang pagkakataong ibahagi ang kanyang graduation photo kung saan tinanggap niya ang certificate bilang patunay ng kanyang commitment at tapang.
“Mission accomplished, 1 Mile Swim. SAMBISIG CLASS 2025,” caption ni Eula sa kanyang post.
Aniya pa, “Search and Rescue Auxiliary Training. Thank you, 505th Search and Rescue Group.”
Kung matatandaan, June last year nang matapos ni Eula ang Basic Citizen Military Training (BCMT) ng Air Force Reserve Command.
Bukod sa kanyang military training, abala rin ang aktres sa kanyang papel sa drama series ng TV5 na “Totoy Bato.”
Samantala, ilan sa mga kilalang personalidad na nagsisilbing Army o Navy reservists ay sina Gerald Anderson, Dingdong Dantes, Charo Santos-Concio, Geneva Cruz, at Arci Muñoz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.