Part 2: Corporal punishment gagawing krimen | Bandera

Part 2: Corporal punishment gagawing krimen

- August 31, 2011 - 07:23 PM


Ni Bella Cariaso

(Ikalawa sa serye)

MALAKI at mahabang debate hindi lamang sa apat na sulok ng Senado at Kamara ang isyu tungkol sa corporal punishment dahil maging ang magulang ay may kani-kaniyang opinyon hinggil sa isyung ito.

Pero ano nga ba ang mga parusang ipinapataw ng mga magulang na nais gawing krimen ng mga nagpanukala na tanggalin na ang corporal punishment bilang paraan ng pagdidisiplina sa mga anak.

Sa ilalim ng House Bill 4455 o ang Positive and Nonviolent Discipline of Children Act at ng Senate Bill 873 o ang Anti-Corporal Punishment Act of 2010, magiging krimen ang mga sumusunod na corporal punishment:

  • Pamamalo, paninipa, paghampas, pananampal, panininturon, paghahataw ng mga bagay na nakasasakit gaya ng walis, pamalo, sinturon, stick at iba pang gaya ng mga ito;
  • Pagsampal sa bata o pananakit sa mukha o ulo;
  • Paghila sa buhok, pananabunot, pagkalbo, paggupit sa buhok, pagpingot, pagkaladkad, pagtulak, pagsugat, paghagis, pag-alog;
  • Pamimilit sa bata na gumawa ng mga mabibigat na gawain gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay; pagluhod sa bato, asin, munggo; pagpilit na saktan ang sarili;
  • Pagpapabaya sa physical na pangangailangan ng bata;
  • Pagpapa-squat, pagpapatayo o anumang kahalintulad na kaparusahan;
  • Paggamit o pag-expose sa bata sa mga mapanganib na bagay kagaya ng apoy, yelo, tubig, sigarilyo, paminta, alkohol, kemikal gaya ng klorox, pestisidyo, ihi
  • Pagtatali sa bata;
  • Pagkulong sa bata;
  • Verbal abuse, pagsigaw, pananakot, pagsumpa, pagmumura;
  • Pamamahiya sa bata sa harap ng maraming tao

Ayon sa panukalang batas, bukod sa mga magulang, stepparents, adoptive parents, common-law partner, sakop din ng mga maaaring maharap sa kaparusahan ang mga foster parents, guardians, mga institusyong inatasang mangalaga sa bata, mga guro at ibang opisyal ng eskwelahan, yaya, katulong, caregiver at sinumang nakatatanda na naatasang mag-alaga sa bata.
Sa ilalim ng panukala,  kahit sino ay pwedeng magsampa ng kaso sa mga magulang at ibang sangkot sa mga mananakit sa bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending