Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Air21 vs Meralco
8 p.m. Petron Blaze vs San Mig Coffee
NAKABAWI rin ang Barako Bull sa Alaska Milk matapos na mawalis noong nakaraang season.
Bumangon ang Energy Cola buhat sa 15-puntos na abante ng Aces sa ikaapat na yugto upang manaig, 97-93 para sa ikalawang sunod na panalo sa PLDT myDSL Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Gumawa ng tigatlong triples sa ikaapat na yugto sina Ronjay Buenafe at Mick Pennisi upang mapalis ang 80-65 kalamangan ng Aces sa huling siyam na minuto ng laro.
Ito ang unang panalo ng Energy Cola sa Aces na nagwagi sa tatlong laban nila noong nakaraang season.
“The players responded well and we made the proper adjustments and executions in the fourth quarter,” ani Barako Bull coach Bong Ramos.
Ang Barako Bull ay lumamang sa halftime, 44-40. Subalit gumawa ng sampung puntos sa ikatlong yugto si Gabby Espinas upang pamunuan ang pagbabalik ngAces na umabante, 76-63, sa katapusan ng yugto.
Umalagwa pa sa 15 ang bentahe ng Alaska Milk, 80-65, siyam na minuto ang nalalabi sa laro.
Buhat doon ay pumutok sina Buenafe at Pennisi upang makalapit ang Energy Cola, 80-78.
Huling nakaabante ang Aces, 89-85, sa dalawang free throws ni JVee Casio, 2:51 ang nalalabi sa laro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.