BINAWI ng Professional Regulation Commission ang lisensiya ng celebrity doctor na si Hayden Kho kaugnay ng mga sex video niya at ng ilang artistang babae na kanya umanong kinunan.
Ayon sa PRC, napatunayang guilty sa immorality at unethical conduct si Kho.
Sinabi naman ni Kho na agad niyang iaapela ang desisyon dahil wala umanong kinalaman ang iskandalo na kanyangkinasangkutan sa kanyang abilidad bilang doktor.
Ikinatuwa naman ng kampo ni Katrina Halili, isa sa mga aktres na naugnay sa mga sex video, ang desisyon ng PRC.
Samantala, sinabi ni Sen. Bong Revilla Jr. na pinatunayan ng PRC na na may paninindigan ito sa kanilang mandato at hindi naiimpluwensiyahan ng sinuman.
Ayon sa senador, tama lamang ang naging desisyon ng PRC sa pagkansela nito sa lisensiya ng kontrobersyal na doktor.
Dagdag pa ni Revilla, magsilbing babala ang desisyon ng PRC sa iba pang propesyunal at sa ilan pang indibidwal na nagnanais na gayahin si Kho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.