Joey Ayala ‘Binaboy’ ang ‘Lupang Hinirang’, kailangang parusahan | Bandera

Joey Ayala ‘Binaboy’ ang ‘Lupang Hinirang’, kailangang parusahan

Ambet Nabus - November 25, 2013 - 03:00 AM


BIGLANG gumuho ang paghanga ko kay Joey Ayala nang dahil sa tila kakapusan nito ng pang-unawa sa tunay na diwa at kahulugan ng ating Pambansang Awit na “Lupang Hinirang”.

Kalat na kalat na kasi ngayon sa social media ang bersyon niya ng ating National Anthem na ayon pa sa kanya ay mas napapanahon at bagay sa baong henerasyon.

Hindi na namin tinapos pakinggan ang kanyang awitin na talagang naiba ang tempo kaya hindi na namin napakinggan ang isa sa mga issue sa social media –  ito ngang pagpapalit ng lyrics sa ilang stanza ng kanya, lalo na yung linyang “…ang mamatay ng dahil sa ‘yo.”

Ayon pa kay Joey Ayala, mayroon diumanong “grave psychological damage” na epekto ang naturang linya sa ating kamalayan kaya raw kapag guma-graduate na ang mga Pinoy sa pag-aaral ay gustong makapag-abroad agad.

Aniya, “Kasi ang implicit belief is kapag dito ka, tepok ka, killed ka.” Nakakabaliw ang mahusay pa namang singer na akala namin ay nauunawaan ang kasaysayan ng “nasyonalismo” ng ating “Lupang Hinirang”.

At ang hindi namin mapapatawad ay ang kakapusan nito ng kaalaman sa ating mga wika dahil ultimo yung ilang linya gaya ng, “…may dilag ang tula at awit sa paglayang minamahal…,” ay pinuna pa niya.

“Ulam ba yun?” tanong niya sa salitang “dilag” (binibigkas nang mabilis) na ang tunay na ibig sabihin ay lakambini, mutya, babaeng inspirasyon, o ang mas malalim na inang bayan.

Gawin bang “dalag” ang salita na ulam lang ang peg? Nakakawalang-respeto di ba? Hindi namin alam kung ano ang pumasok sa isip ng singer na ito at  pati ang nananahimik na “Lupang Hinirang” ay pinakialaman niya.

May gawin sana ang mga ahensya ng gobyerno na nagpapanatili ng mga kinagisnan nating kultura at kasaysayan dahil kung madadagdagan ang mga kagaya ni Joey Ayala sa ating bansa, naku po, ano na nga lang klaseng “kasaysayan” ang maipapamana natin sa mga susunod na henerasyon?

Hay, sa tagal naming hinangaan si Joey Ayala at ang kanyang musika, sa ganito lang pala niya kami madi-dis-appoint! Sayang!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending