Marjorie Barretto, Dennis Padilla ‘minalas’ dahil sa pagbabardagulan
Eleksyon 2025 - May 14, 2025 - 12:25 AM

Dennis Padilla at Marjorie Barretto
SA halip na malungkot at makisimpatya, tila inasar-asar pa ng netizens sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla matapos matalo sa katatapos lang na 2025 midterm elections.
Sabi ng mga netizens, mukhang minalas nga ang dating mag-asawa sa kanilang political career dahil sa kinasangkutan nilang kontrobersya kamakailan.
Parehong nabigo ang dating magdyowa na makaupo bilang konsehal sa magkahiwalay na distrito sa Caloocan dahil kinapos nga sila sa nakuhang mga boto.
Nasa ikapitong pwesto si Marjorie sa pagkakonsehal sa unang distrito ng Caloocan habang ang dati naman niyang mister na si Dennis na tumakbong konsehal sa 2nd District ay nagtapos sa ika-16 sa puwesto.
Base sa mga nabasa naming komento, hindi nakatulong sa kanila ang pagbabatuhan ng masasakit na salita pagkatapos ng controversial wedding ng anak nilang si Claudia Barretto.
Matapang na nagsalita si Marjorie laban sa komedyante matapos iton maglabas ng sama ng loob sa social media dahil hindi siya ang naghatid sa altar sa kanyang anak.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Marjorie at Dennis hinggil sa pagkabigong makasungkit ng upuan sa konseho ng Caloocan.
Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng ating mga ka-BANDERA sa pagkatalo nina Dennis at Marjorie sa halalan pati na ng ilan pang celebrities na luhaan.
“Unti unti nang nagigising ang taong bayan.”
“Di na looks at showbiz status ang basehan ng botante ngyn. Nagising na cla. Lalo na mga youth.”
“Thank you Lord dina nadaan sa kanta at sayaw ang mga kabataang Pinoy! Me pagbabago na tlga.”
“Grabe na practice ngayong election ang matalinong pagboto..congrats sa mga mamamayan.”
“Tumakbo pala si dennis pavictim haha pati sa inaguration di invited.”
“Buti nman natalo na sila, nagising n din ung mga tao sa pag vote ng artista.”
“Di na po popularidad ang panlaban ng mga artista ngayon. Natuto na ang mga Pinoy, na di porket kilala o sikat at iboboto na. Naging bukas na ang isip ng karamihan. Nakikinig na kung talagang may mabuting plataporma at nakikita na kung ito’y natutupad nila.” .
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
