Marjorie Barretto pinayuhan ng paboritong pari: ‘Never forget BTS’
IBINANDERA ng dating aktres at politikong si Marjorie Barreto ang kanyang memorable moment kasama ang kanyang paboritong pari na si Father Jerry Orbos.
Sa kanyang Instagram post ay masayang ibinahagi ng dating aktres ang kanyang interaction kay Fr. Jerry, ilang linggo matapos ang controversial wedding ng kanyang anak na si Claudia.
Makikitang ipinagdarasal ng pari si Marjorie at binigyan rin siya nito ng mga adivice sa kasalukuyang pinagdaraanan.
Ang pagkikita ng dalawa ay nangyari nang dumalo ang kapatid nina Claudine at Gretchen sa special event ng kanyang kaibigan na nagse-celebrate ng 25th wedding anniversary kung saan in-officiate ni Fr. Jerry ang misa.
Baka Bet Mo: Marjorie Barretto nabarag pa sa pagresbak kay Dennis: Bakit ‘di ka nagdemanda?
Instagram에서 이 게시물 보기
Lahad ni Marjorie, “What a blessing it was to celebrate the 25th year anniversary of people close to our hearts last night. Congratulations Con and Sheba.
“Another highlight was hearing mass officiated by Father Jerry Orbos, my favorite priest.”
Nagkaroon rin ng pagkakataon na makapag-usap sina Fr. Jerry at Marjorie kung saan humingi siya ng blessing at nag-request na siya ay ipagdasal.
“I went up to him and asked him to please bless and pray for me, I always find comfort in his wisdom. He told me to never forget BTS…
“Believe, Trust and Surrender. The words I needed to hear from God,” sey ni Marjorie.
Marami naman sa kanyang mga kaibigan at mga tagapakinig kay Fr. Jerry ang masaya sa encounter ng dalawa.
Matatandaang kamakailan lang nang magpaunlak ng interview si Marjorie para sagutin ang mga pahayag ng kanyang dating asawa na si Dennis Padilla.
Ito ay matapos niyang isapubliko ang kanyang frustration matapos umanong maging bisita sa kasal ng anak at hindi bilang “father of the bride”.
Tahasang sinagot ni Marjorie ang mga pahayag ni Dennis kasama ang mga “resibo” upang protektahan ang mga anak sa mapanghusgang komento ng mga netizens online.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.