Matutuloy sa US (2) | Bandera

Matutuloy sa US (2)

Joseph Greenfield - November 19, 2013 - 08:49 PM

Sulat mula kay Jirro, ng Bayugan City,
Agusan del Sur
Problema:
1.      Noon pa man ay pangarap na naming mag-asawa na magtrabaho sa Amerika.  Sinubukan naming mag-apply kahit may trabaho naman kami dito.  Kailangan nang umalis sa Pilipinas dahil hindi tumataas ang suweldo namin.
2. Mahirap ang proseso pero tinutulungan naman kami ng aming kamag-anak doon.  Matutuloy kaya kami?  Kailan?  Anong taon.  Kumpleto ang mga papeles namin at nakatugon din kami sa mga requirements.  Hindi pa itinatakda ang interview dahil may tinitingnan pa raw sila.  July 1, 1968 ang birthday ko at September 10, 1976 naman ang misis ko.
Umaasa,
Jirro, ng Bayugan City, Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo ang nagsasabing kapwa nga kayo suwerteng mag-asawa sa paninirahan sa ibang bansa, higit lalo kung ang isa sa inyong mga anak ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn.
Numerology:
Ang birth date mo at kay misis ay nagsasabing sa taon 2014 ay tiyak ang magaganap—susuwertehin ka nang makaalis pa-Amerika.
Graphology:
Ang pag-aanalisang tiyak na mangingibang-bansa ka ay madali namang kinumpirma ng lagda mong umaangat paitaas. Tanda na sa panahon ngayon ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang magaganap. Ito ay ang makasakay sa eroplano upang ganap na ngang makapanirahan sa ibayong dagat.
Huling payo at paalala:
Jirro, ayon sa inyong kapalaran, kung babae ang kamag-anak mong tumulong sa  inyo upang matupad ang pangarap ninyo ay nakatakda na ang mangyari sa 2014, sa buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre. Makakaalis ka na upang paglipas ng ilang panahon ay ang buong pamilya naman ang sama-sama ng makapanirahan sa Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending