Ingat sa langis | Bandera

Ingat sa langis

Leifbilly Begas, Lito Bautista - November 20, 2013 - 03:00 AM

Kapag pumunta ka sa mga tindahan ng motorcycle parts at BPLO-registered parts mapapansin mo na “bumabaha” ng langis dahil sa dami ng brand na ibinebenta ng mga ito.

At kasali rito ang Upper Canelar, Zamboanga City, kung saan nakatira ang ating texter …. 2221. Marami ang  ibinebentang langis sa merkado, ang iba ay wala pang label na nakasulat sa Ingles.

Ang ating texter ay mayroong 125cc motorcycle na gawa ng isang kilalang Japanese brand. Ang kanyang motorsiklo ay hindi nanga-ngailangang ng oil upgrade.

Ang API classification nito ay dapat na panatilihin pa rin sa SG o mas mataas pero huwag ang mga langis na energy conserving na makikita sa API service label nito.

Ang viscosity o lagkit ng langis ay dapat na SAE 10W-30 o SAE 40 kung ginagamit itong pangarera o palaging ginagamit sa mabilisang takbo.

Ang ibang motorsita ay gumagamit ng mas mataas na viscosity rating pero hindi ito kaila-ngang gawin sa iyong 125.
Ang JASO T 903 standard, isang pamantayan na ginagamit ng mga Hapon, ay dapat na MA.

Kalimitang ini-rerekomenda rin ng mga dealer ang paggamit ng mono grade of multigrade oil na may rating na 10W-30.
Kailangan lamang na tiyakin na walang label na “energy conserving” ang langis na bibilhin lalo at dumadagsa na rin ang nagbebenta nito.

Hindi rin kailangan ng oil additives ng 125 ng ating texter. Mayroong mga rider na gumagamit ng additives sa kanilang langis para sa kanilang mga lumang makina upang maiwasan ang pagkasira dahil sa kalumaan.

Ingatan din ang pagpili ng oil additive at tiyakin na wala itong graphite o molybdenum na makakaapekto sa clutch.

MOTORISTA

Kambiyo
ANO po kaya ang sira ng motor ko?  Hirap ikambiyo ang Suzuki 125 2003 model.
…1510

BANDERA

DAHIL 2003 model pa iyan, maaari nang palitan ang buong gear assembly, para makatiyak.  Pero, pabuksan muna baka sakaling makuha sa pagpapalit ng ilang piyesa para pumasok ang gear combinations.

Kung lever clutch iyan, maaaring sa timing lang ang adjustment. MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
HON RS P37 0918-5459088
SWAP Bravo 100 2009
0910-3821829

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).

Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending