Kris um-attend sa awards night kahit may sakit: I’m not so OK, nahihilo ako

Michael Leyva at Kris Aquino (Photo courtesy of People Asia)
SA kauna-unahang pagkakataon makalipas ang mahabang panahon, muling nagpakita sa publiko ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Matagal-tagal na rin si Kris sa Pilipinas pero ngayon lang siya um-attend sa isang event sa kabila ng kanyang mga iniindang karamdaman na ilang taon din niyang ipinagamot sa Amerika.
Sa ulat ng GMA, dumalo si Kris sa People Asia People of the Year 2025 awards night kagabi, February 25, bilang suporta sa kanyang kaibigan na si Michael Leyva.
Makikita sa video ang award-winning actress-TV host na nakasuot ng pink blazer at yellow na panloob with matching floral skirt at dilaw na face mask.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos ibinuking ang pinandidirihan sa lalaki: Ayoko talaga ng mahabang…
Ayon kay Kris, ayaw niyang ma-miss ang importanteng araw na yun para sa Filipino fashion designer na si Michael na isa nga sa mga awardees ng People Asia People of the Year 2025.
View this post on Instagram
“There are people who say that I’ll be there for you or maaasahan mo ako. But Michael has proven that so many times and in so many ways,” ang sabi ni Kris patungkol kay Micheal.
Hirit pa niya, “And he gave his two cars for us. Nakompromisa ka na.”
Sumakto din ang muling pagpapakita ni Kris sa isang event sa 39th anniversary ng EDSA People Power Revolution na nananatiling buhay dahil sa kanyang mga magulang na sina Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at former President Corazon “Cory” Aquino.
Nang matanong si Kris about this, “I actually thought today is the 24th, tomorrow pa yung 25. He was the one who told me. Sabi niya (last night) ‘Ano ka ba, bukas yung…’ So, sabi ko, ‘Perfect!’ Talagang perfect coming out.”
Nag-sorry din siya sa pagdating nang late sa event na kanyang dinaluhan, “They had trouble waking me up because I started a new medicine last night.”
At sa tanong kung kumusta na ang kanyanv health condition, mailing sagot ni Kris, “I’m not so okay. Nahihilo ako.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.