Kim kinilig sa tinapay ni Paulo: Mahinang nilalang siya!

Kim Chiu kinilig sa tinapay ni Paulo Avelino: Mahinang nilalang siya!

Ervin Santiago - February 21, 2025 - 10:56 AM

Kim Chiu kinilig sa tinapay ni Paulo Avelino: Mahinang nilalang siya!

INULAN ng tukso ang rumored celebrity couple na sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa naganap na grand mediacon ng first movie nilang “My Love Will Make You Disappear” under ABS-CBN Productions at Star Cinema.

Pinatunayan ng mga co-stars nila sa pelikula na totoong super sweet ang KimPau sa set na talagang nagpapasabog lagi ng kilig at good vibes sa lahat ng kanilang mga katrabaho.

Ginanap ang presscon ng “My Love Will Make You Disappear” nitong nagdaang Miyerkules, February 19, sa Dolphy Theater sa ELJ Building sa Quezon City na dinaluhan nga nina Kim at Paulo.

Naroon din ang iba pang cast members na sina Wilma Doesnt, Lovely Abella, Benj Manalo, Migs Almendras, Martin Escudero at Karina Bautista. Present din ang direktor ng movie na si Chad Vidanes at writer nitong si Prime Cruz.

Dito nabuksan ang usapan sa pambubuking daw ni Wilma na may relasyon na umano sina Kim at Paulo sa isang interview.

Baka Bet Mo: Kim Chiu tinukso dahil sa ‘pink’ bike, regalo nga ba ni Paulo Avelino?

Reaksypn agad ni Kim sa model-actress, “Buti pa siya alam niya!”

Humirit naman ng biro si Wilma ng, “Ang  totoong headline ay ‘Wilma Doesn’t Give Hint At Kim and Paulo’s Relationship.'” Na binigyang-diin ang kanyang apelyidong “doesnt” na ang sabihin ay hindi siya nagbigay ng hint.

“O, bakit niyo ako kinukuwestiyon ngayon?” chika pa ni Wilma.

Sagot ni Kim sa kanya, “Ito naman ang damot, ayaw magbigay ng hint!”

Depensa ni Wilma, “Okay, nung tinanong ako, ‘Sila ba?’ ‘Lagi sila nasa tent, e.’ Masama ba yun? Tapos, ‘Sila ba?’ ‘Parang.’

“So nu’ng na-headline, ‘Wilma Doesn’t Give Hint.’ So, di yun totoo!'” sabay tawa ng aktres.

Singit uli ni Kim, “Doesn’t nga, di ba Actually, si Miss Wilma, siya talaga yung push nang push. Gusto nga niya gumawa ng GC (group chat), di ba?”

Pero kinorek siya ni Wilma, si Lovely Abella raw ang nag-suggest na gumawa ng GC para doon magpo-post si Kim kung may update na siya kung magdyowa na sila ni Paulo.

Bigla uling sumingit si Kim, “Pero wala pang GC!” Na sinang-ayunan naman ni Lovely, “So, wala pa kaming maa-update.”

May nagtanong naman sa cast ng “My Love Will Make You Disappear” kung kailan sila huling kinilig.

Sey ni Kim, kinilig siya bago magsimula ang presscon dahil, “Binigyan niya (Paulo) ako ng tinapay kanina. Yes, tinapay lang pala! Ha-hahahaha! Mahina si Ate ko! Mahinang nilalang siya.”

Dagdag pang chika ni Kim patungkol kay Paulo, “Dinalhan niya ako ng pasalubong after Showtime.”

Sumingit naman si Paulo, “Yung mga nasa office sa Star (Cinema) nagre-react din sila. Binigyan ko rin sila.”

Na sinagot ni Kim ng, “Lahat kami binigyan.” Sabay hirit ng, “At least, di sa ihi kinilig.”

Nag-isip muna si Paulo kung kailan siya huling kinilig, “Sa amin kasing mga lalaki, di ko alam paano i-explain yung kilig. Ewan ko. Siguro…ngayon. Ha-hahaha!

“Ano ba? Siguro kapag nakikita ko sa baunan ni Kim na may gulay, tapos walang halong karne. Uy, medyo kinikilig,” nangingiting sey ni Paulo.

Hirit na biro uli ni Kim, “Kinilig siya sa cook namin.”

Natapos ang presscon nang walang inaamin ang KimPau kung magdyowa na sila o hindi pa. Ang kinumpirma nila ay ay mas close na raw sila ngayon sa isa’t isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ikatlong proyekto na nina Kim at Paulo ang “My Love Will Make You Disappear”. Una silang nagkasama sa Kapamilya series na “Linlang” (2023), at sinundan ito ng Pinoy version ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim?” (2024).

Showing na sa lahat ng sinehan nationwide ang “My Love Will Make You Disappear” simula sa March 26.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending