BFF inggit ba sa kaibigang ikakasal na: Hindi talaga siya masaya for me!

Stock image
NARANASAN n’yo na bang magkaroon ng BFF na feeling n’yo ay hindi masaya kapag may magagandang nangyayari sa inyong personal na buhay at career?
Iyan ang problema ngayon ng isang 30-years old na female netizen na nagdadalawang-isip kung iimbitahan pa niya sa kanyang kasal ang taong itinuturing niyang bestfriend.
Inilahad ng letter sender sa Facebook account na “Peso Sense” ang tungkol sa kaibigan niya na tila gino-ghost na siya ngayong masaya na ang kanyang lovelife, lalo’t engaged na siya ngayon.
“Please hide my identity. I (30F) have this bestfriend (32F). We met many years ago sa work, pero hindi naman kami agad close. Acquaintance lang, nag-uusap kapag kailangan, nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Mga 2 years na ganun lang ang relationship namin.
“Anyway, pareho kaming na-heartbroken nitong 2020. Nakipag-break sa kanya ang long-time boyfriend niya (7 years) at nakipag-break naman ako sa long-time boyfriend ko (10 years) dahil walang plano sa buhay.
“Ang isa’t isa ang kinapitan namin and we felt na nagkakaintindihan talaga kami. We maintained that kind of friendship for the past years. We always talked so much, halos buong araw — updating each other about our day, talking about our emotions, lifting each other up. And it was a beautiful friendship para sa akin,” ang simula ng liham ni Ate Girl.
Sa kanilang dalawa, siya ang sumuko na sa pag-ibig bilang isang single mom sa kanyang 3-year-old na anak, “Simula nung naghiwalay kami ni ex, hindi ako nakipag-date o nag-seek intentionally ng lalaki (nothing wrong with it). Handa na akong tumanda mag-isa kasi okay na okay na ako. Focused na talaga ako sa anak ko.
“Struggling ako financially kasi hindi naman nagsusustento ang daddy ng anak ko pero kaya ko naman. Kinakaya.
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga nag-react sa ginawang pag-crop ni Luis sa kanyang mukha: Ginawa mo kong poster!
“On the other hand, si bestfriend ay on the search for love talaga. She would always go on dates and hookup with men a few times a week. No judgment here.
“Naniniwala akong we have total control about what we want to do with our body as long as hindi tayo nananakit ng iba. Pero at the same, lagi siyang nauuwi sa heartbreak kasi hindi naman siya sineseryoso ng mga ka-situationship niya. Nag-aalala ako sa kanya sa aspect na yan,” ang kuwento pa ng anonymous sender.
Patuloy niyang rebelasyon, “Pero ito na nga ang nakakalokang kaganapan. January last year, I met someone sa church. Niligawan ako ni kuya at ang family ko. At syempre sino ang una kong sasabihan? Yung bestfriend ko. Pero sa umpisa pa lang na sinabi kong may nakilala ako, parang hindi na siya masaya.
“And then nung nag-start akong magkwento na parang this guy is taking me seriously, and he has strong faith in God, financially stable, at higit sa lahat ay mahal ang anak ko, parang hindi ko nararamdaman na masaya si bestfriend for me. Sabi niya, hindi naman daw kagwapuhan si guy.
“And yes, compared sa ex ko, alam ko naman yun. Pero for me, he has the most beautiful heart. I asked my best friend kung bakit parang hindi siya masaya para sakin, kung bakit ganun. Sabi niya, wala lang daw. It has nothing to do with me daw.
“Talaga raw wala lang siyang tiwala na sa mga lalaki. Pero parang medyo weird yung statement na yun kasi she’s actively seeking love naman,” lahad pa ni Ate Girl.
Noong nagkuwento raw siya about her lovelife, dumalang na ang pagre-reply ng kanyang BFF sa mga message niya, “One time sinabi niya pa na feeling niya nagse-settle lang daw ako kasi raw gusto ko ng stability at gusto ko bigyan ng daddy ang baby ko, which is not true.
“I am really in love with this man and his beautiful soul. I have never found peace like this before in a relationship. Ngayon, sobrang rare na talaga ni bestfriend sumagot sa texts, calls, or messages ko sa social media.
“Dama ko na hindi talaga siya masaya for me. Minsan nagre-reply siya kapag kinakamusta ko siya. Sinasabi niya sa akin na she’s very happy, super happy raw siya on her own and being single, not having someone na iintindihin at walang anak. Sabi ko,
“I’m happy for her. Pero ako, hindi niya ako tinatanong kung kamusta ba ako. From every day na pag-uusap, naging monthly na lang, hanggang sa almost wala na.
“Siyempre I miss her pero napapagod akong mag-reach out palagi kasi parang nagmumukha akong tan%a. I confronted her naman kung may problema ba kami. Wala raw.
“Nalulungkot ako kasi feeling ko mahal niya lang ako nung time na heartbroken kami pareho kasi may karamay siya, pero hindi siya masaya para sa akin ngayong masaya na ako. Mahal niya ako nung malungkot at miserable ako. Siguro it made her feel better na I was in a worse situation. I really don’t know.
“I read somewhere na real friends are the ones na hindi ka lang dadamayan kapag malungkot ka, pero ise-celebrate ka rin and your happiness.
“Last week, my boyfriend proposed to me during our trip to Baguio. I announced the engagement a few days ago pero hindi man lang nag-congratulate si bestfriend. She’s supposed to be my maid of honor.
“How do I deal with this? Should I still invite her to the wedding? She also didn’t reply nu’ng huling message ko sa kanya. Seen lang. Should I accept that it’s time for me to let her go?” ang buong pahayag ng letter sender.
Pasok mga ka-BANDERA! Ano ang maipapayo n’yo sa kanya kung kayo ang nasa ganu’ng sitwasyon? Dapat pa ba niyang kuning maid of honor si BFF o tuluyan na niya itong dedmahin?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.