Angelica Best Actress sa Cinema One Filmfest, Alessandra talunan…sumigaw ng ‘UNFAIR’
SA katatapos lang na awards night ng Cinema One Originals (Currents and Plus Divisions) tinanghal na Best Actress sina Vivian Velez (para sa pelikulang Bendor) at Angelica Panganiban (Alamat ni China Doll).
Best Actor naman sina Matteo Guidicelli, Rayver Cruz at Joseph Marco para sa “Saturday Night Chills” at Joel Torre para naman sa entry na “Kabisera”. Best Picture ang “Bukas Na Lang Sapagkat Gabi Na” sa Currents Division at “Alamat ni China Doll” sa Plus Division, habang Best Director naman sina Arnel Mardoquio (Riddles of my Homecoming) at Borgy Torre (Kabisera).
Sampung movies ang naglaban-laban sa Currents, habang may lima ang sa Plus division. Kapuna-punang “inisnab” ng mga jurors ang ilang magagaling na performers dahil sa Best Actress categories ng parehong divisions ay dalawa lang ang naglaban.
Si Vivian ay tinalo ang baguhang si Yeng Constantino na pinuri ang husay bilang tomboy sa “Shift”. Ang beterana na sa mga indie movie na si Alessandra de Rossi ang kinabog ni Angelica Panganiban na ewan namin kung totoong seryoso sa pagsigaw niya ng “it’s unfair” matapos nitong marinig na dalawa lang silang magkalaban sa kategorya nila, sabay labas (can we call it a walk-out?) ng Dolphy Theater kung saan ginawa ang ceremonies last Saturday night.
Kinabog ng kontrobersyal ngayong si direk Peque Gallaga ang sinasabi nilang nagpapansing husay ni Cesar Montano sa pagka-Best Supporting Actor, habang si David Chua ang tumalo sa ibang mga beterano sa pagganap sa Currents division as Best supporting actor.
Supporting actress winners naman sina Bing Pimentel (Kabisera) at Ana Luna (Bendor). May mga nanghihinayang sa pagkatalo ni Mark Gil as Best Actor (sa gay-themed na Philipino Story) versus sa ensemble acting nina Matteo, Rayver at Joseph.
Grabe raw ang husay ng aktor sa movie pero naniniwala naman si Rayver na deserve nila ang parangal at nagpayo pa itong panoorin muna ang entry nila.
Ang ilan sa mga “beteranong” naisnab na hindi man lang na-nominate ay sina Alex Medina (may dalawang entries), Irma Adlawan, Felix Roco (sinasabing magaling as bading sa Shift), Liza Lorena, Anita Linda, Meryl Soriano, Joem Bascon, Luis Alandy at Allan Paule habang talunan din si Phillip Salvador.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.