BARAG na barag si Maris Racal sa mga netizens na nag-react sa isa niyang Instagram post kaugnay ng bago niyang kanta, ang “Perpektong Tao.”
Sa halip na matuwa at makisimpatya ang mga nakakita sa kanyang IG post ay binanatan pa siga ng mga bashers nang bonggang-bongga.
Kalakip ang kanyang litrato na may hawak na isang tila placard na may nakasulat na “Maris Racal Perpektong Tao”, ang mensahe ng aktres tungkol sa “healing.”
Aniya sa caption, “Writing this song healed me in ways I never thought possible.
“It was born from a journey through pain, regret, and the courage to seek forgiveness, a reminder that even in our darkest moments, we can find light.
Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’
“I’m sharing this with the world, hoping it resonates with those who need it most,” ang hugot pa ng kontrobersyal na Kapamilya star.
Sunud-sunod naman ang naging reaksyon ng kanyang IG followers na karamihan ay puro pangnenega at pambabasag sa trip ni Maris. Narito ang ilan sa mga nabasa namin na tinawag pang pa-victim ng netizens.
“Maris Racal ‘malanding tao’ ata dapat?!”
“Sorry not sorry, pero why does this looks like she’s going to release an album about being an imperfect human and use it as a ‘victim card’ lmao? is is just me?”
“Siya pa yung nagheheal!!???”
“Yung mga enabler na artists jan for sure mga kabit din yan hahahaha!”
“Anlala ng personality problem mo Maris.”
“Ayan na siya kumapal na feyss niya kaya bumalik na.”
“Perpektong palusot ng isang pa victim.”
“Ay wow ikaw pa may gana mag heal na kamo man nakasakit? Kapal ha.”
“You don’t need to be perfect to know that it is wrong to flirt with someone who’s in a relationship. It doesn’t require perfection to have basic human decency.”
“Its giving na okay lang to commit infidelity kasi hindi perpektong tao with sugar coating na forgiving yourself. Grabe you’ll never understand the pain of someone going through breakup and healing because of infidelity. Some still supports you but majority of us is hindi kami tanga we will never support someone who make excuses dahil nahuli na nagloko.”
“Who advised you to do this? I was rooting for you., even after what happened. Pero teh naman ikaw pa ba may gana magheal eh ikaw yung nakasakit? Geta na you have healing to do pero sarilinin mo. Definitely not good PR. Ang cheap tp make a diss track out of a mysery na di ikaw ang main victim. Also, it doesnt take a perpektong tao to be remorseful about huring other people.”
Bukas ang BANDERA sa magiging reaksyon ni Maris sa isyung ito. Pero kung kami ang tatanungin, mukhang “unbothered” nga ang peg these days ng dalaga at wala na siyang pake sa mga nanghuhusga sa kanya.